^

PSN Showbiz

Rhian bidang-bida sa libro ni Mo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi naman daw totoong inisnab-isnab ni Marian Rivera si Rhian Ramos nang mag-surprise visit ito sa  taping ng Genesis, ang teleseryeng ginagawa ni Dingdong Dantes na leading lady nga si Rhian.

May isang nagkuwento na paano raw nangyari na iisnabin ni Marian si Rhian eh katabi lang ito ni Dingdong nang datnan ng GF ng aktor.

Dumaan lang daw sa taping si Marian dahil nagdala ito ng pizza na parang blowout na rin dahil kapapanalong best actor ni Dingdong sa Gawad Tanglaw.

So pagdating daw ni Marian binati nito si Dingdong at mga staff na lahat naman daw ay kaibigan nito na nagpa-picture-picture pa sa actress. At totoong nagpunta raw sa kotse ang dalawa dahil nag-usap nga sandali. Pero paglabas daw nina Marian at Dingdong wala naman daw tension.

Isang sequence lang daw kasi sina Dingdong at Rhian kaya umalis naman daw agad ang girlfriend ni KC Montero at nagpaalam pa kay Marian banggit ng kausap ko. So nagugulat daw sila kung paano nangyaring nag-create daw ng tension ang aktres?

Ang feeling tuloy nang nagkuwento sa akin, ginagawan lang ng isyu si Marian.

Maalalang may nakaraang isyu sa dalawang aktres nang mag-partner din sina Dingdong at Rhian sa Stairway to Heaven.

Grabe raw kasi ang ginawa ni Rhian kay Marian noon. At hanggang kissing scene daw nila ng aktor, nang-inis pa raw ang ex ni Mo Twister.

Speaking of Rhian, totoo kayang bidang-bida ito sa ilalabas na libro ni Mo na patuloy ang pag-iingay kahit nasa ibang bansa?

Opening ng International Film Exposition, tagumpay

Pormal nang nagbukas the other day ang International Film Exposition (IFEX) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa SMX Convention Center sa
Pasay City.

Kasama sa mga exhibitors ang Star Cinema, GMA Network/Films, Post Manila, SM Cinemas, Array’s, Mavshack, and Mothership at iba pa.

Sinabi ng chairman ng FDCP na si Mr. Briccio Santos na layunin ng nasabing exhibit na first time ginaganap dito sa atin na makatulong at magbukas ng pagkakataon sa local filmmakers at magkaroon ng direct connections sa international filmmakers.

Umabot  sa mahigit 700 ang participants sa exposition. Open ito sa lahat at libre ang registration.

Singer ng Miss Kita Kung X-mas namatay na walang kasamang kamag-anak

Namatay na ang dating singer na si Susan Fuentes. Nakilala siya noong dekada 70 at dineklarang Queen of Visayan Songs.Sakit sa kidney ang kanyang ikinamatay sa edad na 58.

Ayon kay Tito Ricky Lo walang kasamang kamag-anak ang dating singer nang malagutan ito ng hininga.

Kasama sa mga sumikat niyang kanta ang  Matud Nila, Usahay, Gimingaw Ako at ang Miss Kita Kung Christmas.

Meron siyang dalawang anak na naiwan.

 

vuukle comment

CONVENTION CENTER

DAW

DINGDONG

DINGDONG DANTES

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

GAWAD TANGLAW

GIMINGAW AKO

INTERNATIONAL FILM EXPOSITION

MARIAN

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with