^

PSN Showbiz

Maricel tumangging maging Janet Napoles

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Nabasa ko sa isang Facebook account na tinanggihan pala ni Maricel Soriano ang role na mag-Janet Lim-Napoles. Balita kasing may naglalakas-loob na mag-produce ng pelikula nang ina­akusahang nakinabang sa pera ng bayan sa pamamagitan ng pork barrel.

Pero may mga nag-suggest na puwede ang comebacking star na si Jenny Syquia. Improved version daw ito ng nangulimbat ng pork barrel ng ibang pulitiko.

Wait, kailangan pa bang gawan ng pelikula ang isang katulad niya? Indie film ba?

Sarah may kakaibang gagawin sa perfect 10

Mas tutok ngayon si Sarah Geronimo sa kanyang Perfect 10 concert na magaganap sa Nov. 15. Ito ang magsisilbing highlight ng kanyang 10th showbiz anniversary this year.

Gusto raw kasing ma-perfect ni Sarah ang lahat ng aspect ng concert niya sa Smart Araneta Coliseum.

Ipinangako kasi ng Viva Concert na exceptional and unusual ang Perfect 10 bilang pasa­sala­mat ng Pop Princess sa kanyang fans na naging loyal for the past 10 years. Mas malaki pa raw ito sa production ng 24/SG, ang birthday concert niya last year na dalawang gabing ginanap at itinuring na pinaka-astig sa mga naging concert niya. This time, mas malaki raw ang pasabog ng Perfect 10.

At sinabi ni Mr. Vic del Rosario na one night lang ang nasabing concert at wala silang planong repeat katulad sa 24/SG na, after two weeks, ay nagkaroon ng repeat.

Anyway, kakarating lang ng singer-actress galing sa Australia kung saan siya nagkaroon ng series of concerts.

Nabanggit din ni Mr. Del Rosario na malapit na ring mag-platinum ang Expressions album ng kanyang alaga matapos itong lumabas sa music stores three weeks ago.

May 11 songs ang album na mismong si Sarah ang line producer for Viva Records.

Magsisimula raw magbenta ng ticket for Perfect 10 today, Aug. 27, at all SM Ticketnet outlets located at the SM Department Store Customer Service Area and at the Big Dome ticket booths.

For details, call 911-5555 or Viva Concerts at 687-7236. You may also log on to www.viva.com.ph and http://sarahgeronimo.ph.

Zanjoe umaming magkasama sila ni Bea

Itinanggi ni Zanjoe Marudo na kasal na lang ang kulang sa kanila ni Bea Alonzo. Pero medyo magulo ang sagot niya nang tanungin kung nagsasama na nga sila.

“Siyempre minsan may mga pagkakataon na bumabagyo, hindi kami makalabas,” sabi ng actor na ibig sabihin ay magkasama sila.

Pero sinabi naman niya na importante ang kasal at kailangan muna.

“Kailangan mo munang magpakasal. Kailangan mo munang maging stable sa buhay. Kailangang maitaguyod mo ang pamilya  muna,” he explained.

Currently, Marudo is busy working on the hit soap opera Annaliza, airing weekdays bago mag-TV Patrol.

vuukle comment

BEA ALONZO

BIG DOME

DEPARTMENT STORE CUSTOMER SERVICE AREA

JANET LIM-NAPOLES

JENNY SYQUIA

KAILANGAN

MR. DEL ROSARIO

MR. VIC

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with