^

PSN Showbiz

Pagnanasa ang nararamdaman sa kanilang mga eksena young actor nag-iinit sa gumaganap na nanay na aktres sa serye!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Dinagsa ng fans ang Bench meet and greet ni Taylor Lautner na ginanap sa SM Mall of Arena, Pasay City nung isang hapon.

Tinanong si Taylor ni Boy Abunda kung ano ang tingin nitong pinakamagandang bahagi ng katawan niya, mga tagahanga ang nagtilian ng abs daw at sabay-sabay silang sumisigaw ng “take it off” pero hindi naman ipinakita ni Taylor dahil nahihiya ang aktor.

Mukhang mahiyain nga si Taylor at hindi niya inaasahan ang mainit na pagtanggap sa kanya ng Pinoy fans.           

Nangako si Taylor na babalik siya rito para sa mga susunod na event ng Bench na ini-endorse niya.

PAK: Naaliw kami sa kuwento ng guwapong young actor na inaming nag-iinit siya kapag kaeksena ang aktres na gumaganap na nanay niya sa pinagbibidahang drama series.           

Hindi naman kasi katandaan pa si aktres na maganda pa rin at makinis. Kaya kapag may eksenang yumayakap si aktres kay young actor, hindi parang anak ang naramdaman ni young actor kundi may malisya para sa kanya. Sa halip na pagmamahal ng isang nanay, kakaibang init at pagnanasa ang nararamdaman nitong maelyang young actor.

BOOM: Unti-unti nang gumagaling si Michael V. na nasa hospital pa rin at nagpapagaling sa sakit na dengue.

Nakausap ito ng Startalk nung nakaraang Sabado at nakakapagbiro na ito sa interview sa kanya nina Tito Joey de Leon at Manay Lolit Solis.

Nagpapasalamat ang comedian sa lahat na tumulong na makapagbigay ng dugo, sa mga dumalaw at nagdasal para sa mabilis niyang pagga­ling.

Doon na rin sa interview ay nilinaw ni Bitoy na hindi siya aalis ng GMA 7. Pawang top rater ang mga programa niya sa Kapuso network, bakit nga naman niya iiwan?                                                               

vuukle comment

BOY ABUNDA

MALL OF ARENA

MANAY LOLIT SOLIS

MICHAEL V

PASAY CITY

TAYLOR

TAYLOR LAUTNER

TITO JOEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with