^

PSN Showbiz

Duet nina Martin at Anne, patok na patok sa YouTube

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pinag-uusapan ngayon ang music video nina Anne Curtis at Martin Nievera ng kantang Without You na naka-upload sa YouTube. Pang-limang araw pa lamang ngayon mula nang ma-publish ito pero halos nasa 600,000 na ang views ng nasabing video. Ipinakita ng aktres dito ang kanyang talento sa pagkanta at pagra-rap kaya umani ito ng papuri mula sa mga tagahanga.

“Alam ko some people might disagree with it but what actually happened was alam mo ‘yung iba ‘yung naging reaction nila, na sobra akong na-overwhelm at nagpapasalamat kasi parang ang dami niyang hits agad,” nakangiting pahayag ni Anne.

Ayon sa aktres, ibinigay daw niya lahat ng kanyang makakaya para mapaganda ang nasabing video.

“Talagang serious because nga ang kasama ko isang serious singer. At the same time he’s also like me, goofy. He’s game. He’s playful. And that’s why I think the video came out nice,” paliwanag ni Anne.

Samantala, sa Lunes ay gaganapin sa Trinoma (Activity Center), Quezon City ang FANNEtastic (Fan’s Day ni Anne). Makakasama ng aktres sa nasabing event bilang mga host sina Jugs Jugueta at Teddy Corpus.

Parents ni Melai kontra sa alok na kasal ni Jason

Kahit minsan nang nagkahiwalay at muling nagkabalikan ang magkasintahang sina Jason Francisco at Melai Cantiveros ay naniniwala ang binata na soulmate niya talaga ang aktres.

“Sa kanya ko lang na-experience ang ganito. Soulmates kasi kami. Kapag soulmates nagkakaintindihan,” bungad ni Jason.

Nakahanda raw bitawan ng binata ang kanyang showbiz career kapag pinakasalan niya si Melai. Marami na ring pinagdaanan sa kanilang relasyon ang dalawa.

“Handa kong talikuran para sa kanya, kumbaga another stage of life. Nasa edad naman ako at siya. Sa totoo lang, sa amin, madami nang pinagdaanan. Magpo-four years na rin after PBB (Pinoy Big Brother) eh. On and off naman talaga kami pero kumbaga sa hirap at ginhawa kami pa rin. Wala namang makakapaghiwalay sa aming dalawa,” giit ni Jason.

Kahit nakahanda nang pakasalan ng aktor si Melai ay hindi pa makapapayag ang mga magulang ng dalaga.

“Sabi ng parents niya kasi may pinag-aaral pa siya ng college. Kapag tapos na puwede na. Siya na talaga, ready for the next step. Kumbaga, in God’s time,” pagtatapat ni Jason.

Samantala, kamakailan ay napabalitang pinatawad na siya ni John Prats pagkatapos ng gulong nangyari sa pagitan ng dalawa ilang buwan na ang nakararaan.

Ayon sa komedyante, mas mabuting magkausap sila ng personal ni John tungkol dito.

“Sabi po niya napatawad na raw niya ako pero siyempre maganda kapag personal. Hindi pa kami nagmi-meet. Siyempre gusto kong magkausap kami sa personal bakit nangyari na gano’n. Anyways, past is past. Siyempre kasi kami isang bubong lamang, gusto ko rin, mas maganda sa personal,” giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

 

 

vuukle comment

ACTIVITY CENTER

ANNE CURTIS

AYON

JASON FRANCISCO

JOHN PRATS

JUGS JUGUETA

KAHIT

KAPAG

MELAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with