^

PSN Showbiz

Kaya last week lang naipalabas movie nina Kim at Xian maraming reshoot, hindi naging natural ang kilig?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Marami palang ni-reshoot na part ang pelikula nina Kim Chui at Xian Lim na hanggang ngayon ay palabas pa rin, ang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo, ng Star Cine­ma.

Kuwento ng source, hindi raw kuntento ang mga bossing ng Star Cinema sa ibang mga eksena nang una nila itong panoorin kaya ni-request na i-reshoot para itodo ang pagpapakilig nina Kim at Xian. Ito raw ang rason kaya medyo natagalan ito bago naipalabas.

“May mga eksena kasing kulang na kulang sa kilig ang dalawa. Medyo nahirapan sila,” sabi ng isang nagkuwento.

Nainis na nga raw si Direk Joyce Bernal dahil parang nawala na ‘yung original concept ng pelikula dahil nga sa ilang revision ng script at reshoots.

Ayon pa sa source, wala raw something sa dalawang bida ng movie kaya hindi natural ang kilig na lumabas sa mga nauna nilang mga eksena.

Hmmm, baka talaga kasing walang chemistry sina Kim at Xian kaya hindi madaya sa screen?

Yam Concepcion siniseryoso ang career

Isa sa nag-celebrate sa extension ng seryeng Dugong Buhay ay ang sexy actress na si Yam Concepcion na isa sa mga bida sa afternoon serye ng Kapamilya Network.

“Siyempre happy kami dahil alam namin na pinanonood kami,” sabi ni Yam sa isang tsikahan over the phone.

Nag-decide raw ang management na i-extend ito dahil mataas ang rating.

“Very thankful po kami kasi imagine may work kami until September,” she added.

Kaya naman siniseryoso niya ang trabaho. “I consider this project a blessing dahil marami akong natutunan,” sabi ni Yam.

Focus daw talaga siya sa trabaho kaya minsan ay tahimik siya sa taping. “I take the job seriously at the same time nag-e-enjoy ako,” she added.

Bukod sa acting, outlet din si Yam ang pagbabanda at pagpi-paint. “Self expression, kasi pag sa isang bagay ka lang naka-focus baka naman ma-bore ka,” paliwanag niya.

Isa si Yam sa mga baguhang artista na nagpapakita ng pramis sa aktingan kaya maraming humuhulang malayo ang mararating niya.

Julius, Doris, Karen, Tunying, at Atom isasabong sa hapon

  Sina Julius Babao, Doris Bigornia, Karen Davila, Anthony Taberna, at Atom Araullo ang mga tagapaghatid ng ABS-CBN ng serbisyo publiko at mahahala­gang impormasyon sa pamamagitan ng mas pinalakas na Current Affairs block.

Tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes, pinagsama nila ang paglilingkod at malasakit sa mga programang Bistado, Mutya ng Masa, My Puhunan, Tapatan ni Tunying, at Hiwaga.

Pinangako nila ang mga nabanggit na programa ay hitik sa kaalaman na gagabay sa mga Pilipino upang mas maging mapagmatyag, mas matalino , mas masaya, at mas madiskarte sa buhay.

Ayon sa head ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs na si Ging Reyes, nilipat nila sa hapon ang current affairs programs para mas maraming makapanood sa kanilang mga programa.

“Ipinagpapatuloy namin sa ABS-CBN and Current Affairs ang aming obligasyon, ang aming commitment sa pagsisilbi sa aming audience.  Patuloy kaming maglalahad ng mga istoryang mag-iinspire, magtataguyod, at magbibigay-kapangyarihan sa aming mga manonood at mga komunidad,” pahayag ni Ging.

Sisimulan ito ni Julius Babao tuwing Lunes sa Bistado kung saan nilalantad niya ang mga kaso ng pang-aabuso, kapabayaan, at panloloko upang magsilbing babala sa publiko ng iba’t ibang krimen. Ilang kaso na ang natugunan at ilang tao na ang natulungan ng programa pagdating sa pambibisto ng mga modus operandi at pag-rescue sa mga biktima ng incest, rape, at prostitusyon. Mayroon din itong Sumbungang Bayan na siyang puwedeng lapitan ng publiko at himukin silang magsumbong ng mga kaso ng katiwalian at pananamantala.

Pagdating ng Martes, good vibes naman ang hatid ni Doris Bigornia sa kanyang kauna-unahang TV program na pinamagatang Mutya ng Masa. Dito makikisalamuha si Doris sa mga ordinaryong tao upang makuha ang kanilang mga kuwento at pagkakalooban ang ilan sa kanila ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanila.  Dumayo na si Doris sa ilang mga lugar gaya ng Baclaran, Sta. Mesa, at Kalaw at nakapagbigay na ng mga simpleng bagay sa mga taong higit na nangangailangan para mabigyan sila ng pangmatagalang ginhawa.

Katuwang naman ng mga gustong umasenso sa buhay si Karen Davila tuwing Miyerkules sa My Puhunan, kung saan niya pinagtatagpo ang matatagumpay na negosyanteng magsisilbing mentor sa mga nagsisimula at nahihirapang Pinoy na naghahangad na makapagtayo ng negosyo.  Siksik ito sa mga kuwento ng determinasyon at tagumpay  kaya   makakapulot ng tips at inspirasyon ang mga manonood.

Sa Tapatan ni Tunying naman tuwing Huwebes, inuusisa ni Anthony Ta­berna ang ilan sa mga pinakakontrobersiyal na personalidad sa bansa para direktang makuha sa kanila ang mga sagot sa mga tanong ng sambayanan, mapa-showbiz man o pulitika. Naitampok na sa programa sina Father Jess Siva at Father Elmer Cajilig, mga paring parehong may anak, mga beauty queen na sina Venus Raj at Shamcey Supsup na sinagot ang mga intriga sa kanilang love life, at si Karla Estrada at Eva Cariño na inilantad ang kanilang mga saloobin tungkol sa kanilang mga sikat na anak.

Kababalaghan naman sa Hiwaga  tuwing Biyernes, kung saan tinutuklas ni Atom Araullo ang katotohanan sa ilang mga paniniwala ng mga Pinoy sa mundo ng mga misteryo.  Ilan sa mga hindi maipaliwanag na bagay na naimbestigahan na ni Atom sa programa ay ang gayuma, paglilihi, usog, sapi, mga kuwento sa aswang, doppelgangers o nilalang na nanggagaya ng anyo, premonisyon, at kulam.

Mapapanood ang limang bagong programa mula Lunes hanggang Biyernes, 4:15 PM sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

ATOM ARAULLO

BIYERNES

CURRENT AFFAIRS

DORIS BIGORNIA

KAREN DAVILA

KAYA

MY PUHUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with