PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Charice parating may bitbit na rice cooker at paksiw na bangus

Naaliw ako sa kuwento na hanggang ngayon pala ay parating may bitbit na rice cooker tuwing aalis si Charice or magche-check in sa hotel.

Bukod sa rice cooker, parati rin daw itong may baon na chicken pork-adobo at paksiw na bangus. “Gusto niya kasi laging mainit ang rice so importante sa kanya na may dala siyang rice cooker pag-aalis,” sabi ng isang friend ni Charice.

Kahit nung nasa Amerika siya nagdadala siya ng rice cooker?

“Oo, hindi talaga siya masyadong kumakain ng hotel food,” sagot ng kausap ko.

At ang paksiw na bangus at chicken-pork adobo, must daw ‘yan tuwing kakain ang controversial lesbian singer na basketball ang pinagkakaabalahan ngayon tuwing walang commitment.

So meaning hindi nagbago ang taste niya. Hinahanap pa rin niya ang mga nakasanayan niyang pagkain kahit malayo na ang narating niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Anyway, aalis daw si Charice sa Monday papuntang US para sa mga commitment doon.

Samantala, ipi-feature pala sa Magpakailanman ang buhay ng singer. Nag-start na raw itong mag-taping.

Claudine dinurog ‘Hindi ko siya pinagbubuhatan ng kamay at may kakayahan siyang gumawa ng kuwento’ - Raymart

Oh nagsalita na pala si Raymart Santiago sa mga ibinabato sa kanya ng ex misis niyang si Claudine Barretto.

“Matagal akong nanahimik pero dahil sa mga mapanirang akusasyon na ibinabato sa akin, napilitan akong sumagot para na rin sa kapakanan ng mga anak namin (Sabina, 9; at biological son Santino, 6.)

“Walang katotohanan na inabuso ko ang ina ng mga anak ko. At bilang ama, hindi ako gagawa ng hakbang na ikapapahamak ng mga anak ko,” sabi ni Raymart sa kanyang statement kahapon.

“Hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. Maraming mga nakakakilala sa akin na makakapagpatunay niyan.

“Marami rin ang makakapagpatunay na may kakayahan siyang gumawa ng kuwento.

“Again, I strongly deny her accusations. Lalabas din ang katotohanan. Sasagutin namin ang lahat sa korte sa tamang panahon,” mahabang pahayag ng aktor.

Last Monday ay naghain ng Temporary Protection Order si Claudine sa Marikina Trial Court dahil gusto diumano niyang protektahan ang kanyang sarili at ang kanyang mga anak laban kay Raymart.

Kailangang sagutin ito ni Claudine dahil mabigat ang sinabi ni Raymart.

Actually kawawa sa nangyayari si Claudine dahil parang wala siyang back up. Maging ang mga manager niya palang si Mr. Vic del Rosario at maging si Ms. Shirley Kuan ay hindi umano niya kinakausap.

Samantala, isang kamag-anak ni Raymart ang nakausap namin kahapon at sinabi nitong nagugulat siya sa mga nangyayari sa mag-asawa.

At isa sa ikinagulat niya ay nang lumabas ang kuwentong sinaktan daw ni Raymart ang asawa.

“Ang alam ko dumalaw siya kina Claudine last Father’s Day. At pagdating niya doon pinagsusuntok siya ni Claudine at galit na galit. Tapos iba ang lumabas na kuwento, si Claudine na ang sinaktan,” kuwento ng kamag-anak ng actor. Kaya nga raw umalis na lang si Raymart noon.

Controversial celeb baka magamit ng abogado, mga kaibigan nag-aalala

May paalala sa isang controversial celebrity ang mga nagmamalasakit niyang kaibigan. Baka raw magamit lang siya ng kanyang lawyer. Ayon sa isang nagmamalasakit sa celebrity, mahilig sa publicity ang kanyang abogado ngayon kaya baka mamaya eh hindi sa ikabubuti ng kanyang kli­yente ang mangyari.

Kailangan daw munang mag-isip-isip ang aktres bago gumawa ng iba pang hakbang dahil baka in the end siya lang ang magdusa sa kanyang ginagawa.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: