^

PSN Showbiz

Mutya ng Masa bagong katuwang sa buhay ng masang Pilipino

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Serbisyo publikong ikasasaya ng masang Pilipino ang hatid ng batikang mamamahayag na si Doris Bigornia sa pinakabagong magazine program na Mutya ng Masa, simula ngayong Martes (Hulyo 16), sa panghapong Current Affairs block ng ABS-CBN.

Ibibida sa programa ang simpleng Pinoy at ang kani-kanilang interes, suliranin, matitinding panga­nga­ilangan, at simpleng kaligayahan, at si Doris bilang ang kanilang bagong katuwang sa buhay, kabarkada, at maging katsismisan.

Bawat linggo, tutungo si Doris sa isang komunidad at doo’y kikilalanin ang mga tao o pamilyang bibigyan niya ng tulong o natatanging bagay na ma­ka­pagpapaligaya sa kanila na tiyak na magbibigay sa kanila ng pangmatagalang ginhawa. 

Para sa unang episode ng programa, tutungo si Doris sa iba’t ibang kalye ng Sta. Mesa, Manila, kabilang na ang sikat na lugawan ni Tita Bebang at sa Polytechnic University of the Philippines.

Makikilala niya rito si Princess, isang estudyante ng PUP na nahihirapang pagkasyahin ang P100 baon niya kada-araw para sa pamasahe, pagkain, at projects; at ang 16 taong gulang na si Jason, isang trolley boy na maghapong initutulak ang sasakyang pang-riles kapalit ng halos P300 kada araw para sa pamilya.  

Ano kaya ang mga simpleng bagay na makakapagpasaya para sa kanila o sa kanilang mga mahal sa buhay? Paano ipipinta ng Mutya ng Masa na si Doris ang ngiti sa kanilang mga labi?  

Huwag palampasin ang Mutya ng Masa kasama si Doris Bigornia ngayong Martes, 4:15 p.m., sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

ANO

BAWAT

CURRENT AFFAIRS

DORIS

DORIS BIGORNIA

HULYO

MUTYA

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

TITA BEBANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with