^

PSN Showbiz

Lovi muntik nang maging Kapamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Muntik na rin palang naging Kapamilya si Lovi Poe dahil nang hindi pumuwede si Andi Eigenmann na makasama ni Angel Locsin sa bagong soap ng ABS-CBN na Hanggang Kailan Kita Ma­ma­halin, in-offer sa aktres through her manager ang role na dapat ay kay Andi.

That time, libre pa si Lovi dahil walang kontrata sa GMA Network at under negotiation ang offer ng TV5. Nataon lang na kainitan sa negosasyon ng renewal ng kontrata ni Lovi sa GMA Network at may malaking offer pa ang TV5 sa kanya.

Nang balikan si Leo Dominguez nang kausap from ABS-CBN, nakapag-decide na silang mag-re­new sa GMA Network si Lovi. Ibinigay naman kay Maja Salva­dor ang role na originally kay Andi na muntik mapunta kay Lovi.

Na-imagine ninyo kung na­tuloy si Lovi sa  Hanggang Kailan Kita Mamahalin at makaka­sama sina Angel at Jericho Ro­sales? Araw lang daw ang pagitan ng pagre-renew ng kontrata ni Lovi sa GMA Network at tawag ng ABS-CBN.

Anyway, nanghinayang man sa chance na makagawa ng soap sa ABS-CBN at makasama sina Angel at Jericho, masaya na rin si Lovi na ang offer ng GMA Network ang pinili.

Maganda rin ang soap niyang Akin Pa Rin ang Bukas at first time niyang makakasama sina Cesar Montano at Helen Gamboa.

Today, sinimulan ni direk Laurice Guillen ang taping ng soap na may July 29 pilot.

Primera Aktres ang title ni Lovi sa GMA 7, pero naalala namin ang sinabi nito sa isang interview na hindi siya conscious sa mga title. Mas masaya siya na nakikilala at tinatawag sa pangalan ng karakter sa mga ginagawang soap.

Mauuna ang airing ng Akin pa Rin ang Bukas sa Titser, ang docu-series ng GMA News TV na August naman ang airing at 10 Sundays mapapanood.

Mabait na aktres Idinaan sa workshop ang galit sa malditang aktres

Inis na inis ang mabait na aktres sa kadramahan at kaartehan ni mal­ditang aktres na feeling niya, bini­­­bigyan na ng lahat ng op­por­tu­nity ng kanilang net­work, pero sa halip na magpasalamat, nag-inarte pa.

Sabi ni mabait na aktres, kung sa kanya ibinigay ang magagandang pro­jects na ibi­nigay kay mal­­ditang ak­tres, magpa­pa­salamat siya at hindi magbibigay ng problema sa network. Hindi close ang dalawa at gustuhin man ng mabait na aktres na pagsabihan si malditang aktres, hindi niya magawa at baka sabihang nangingialam siya.

Nakakita ng chance si mabait na aktres nang sabay silang mag-workshop ni malditang ak­tres at may parteng maglalabas ng sama ng loob ang workshoppers. Idinaan sa akting ng mabait na aktres ang pagmumura kay malditang aktres na clueless na siya na pala ang minumura at nagalingan pa kay mabait na aktres.

Helen Gamboa per show lang ang contract sa GMA

Kahapon pumirma ng kontrata sa GMA Network si Helen Gamboa. Program contract ang pinirmahan ni Helen, good for one show at para lang sa soap na Akin Pa Rin ang Bukas.

Kung magugustuhan ni Helen ang working condition sa GMA Network, malay natin at muli siyang pumirma ng kontrata.

Tila hinintay na makapirma muna ng kontrata si Helen dahil  hindi natuloy last Monday ang first day taping kundi ngayong araw.

Gagampanan ni Helen ang role ng mother ni Gary Estrada at lola ni Lovi Poe at tsika sa amin, malulutong ang lines ng aktres.

Kung ganitong program network lang ang pinirmahan ni Helen sa GMA-7, may chance pang gumawa rin siya ng soap sa TV5. Ang sabi, two-year exclusive contract ang offer sa kanya at isa siya sa mga bida ng Silay.

vuukle comment

AKIN PA RIN

AKTRES

BUKAS

GMA

HELEN

HELEN GAMBOA

LOVI

NETWORK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with