PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi pala sa TV5 pipirma ng kontrata: Helen Gamboa nasa GMA na!

Hindi pa lang pumipirma ng kontrata sa GMA Network, pero kasama si Helen Gamboa sa cast ng bagong soap ni Lovi Poe na Hanggang Ngayon. Ibig sabihin, si Helen ang sinasabing galing ng ABS-CBN na kasama sa cast, pero hindi naman siguro kontrabida ang role ng veteran actress.

Akala ng marami sa TV5 pipirma ng kontrata si Helen dahil ‘yun ang unang nabalita. In fact, siya na raw ang papalit kay Susan Roces na magbibida sa Silay ng TV5, kaso hindi siya natuloy pumirma roon at baka sa Ch.7 matuloy.

Dagdag na pressure ito kay Lovi dahil alam na magaling na artista si Helen. Pressured na nga ang talent ni Leo Dominguez kina Cesar Montano at Direk Laurice Guillen, nadagdagan pa kay Helen.

This June na raw ang simula ng taping ng Hanggang Ngayon at July naman ang airing dahil kundi kami nagkakamali, ito ang ipapalit sa Mundo Mo’y Akin.

Singer-actress na tumangging magkontrabida hindi ni-renew ng network ang kontrata

Hindi na ni-renew ng isang network ang kontrata ng isang singer-actress (SA) at sana hindi ito ganti ng network sa pagtanggi ni SA sa kontrabida role sa isang bagong soap ng network na ibinibigay sa kanya. Ang katuwiran daw ni SA, hindi siya kontrabida at ayaw       niyang maging kontrabida na kinaiinisan ng viewers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kaso ang network ang nainis sa kanya, kaya hindi na siya binigyan ng kapalit na project at ang malala pa, hindi na ni-renew ang kanyang kontrata. Dahil sa pag­tanggi ni SA sa kontrabida role, kinailangan pa ng network na kumuha ng aktres sa ibang network para pumalit sa inayawan niyang papel, gumastos pa ng malaki ang network.

Sayang ang pinalampas na role ni SA dahil lalabas ang husay sana niyang umarte. Sabagay, puwedeng sa pagkanta na lang mag-concentrate si SA, pero sayang ang talent fee niya sa pag-arte, mahirap pa naman ang buhay ngayon.

Rocco paborito ng Kapuso

Kung si Alden Richard at amang si Richard Faulkerson Sr., sa bowling ang post-Father’s Day bonding na inihanda ng GMA Artist Center, si Rocco Nacino at ang amang si Ralph ay boxing naman sa Elorde Gym sa Julia Vargas, Pasig City, kung saan part owner ang aktor.

Boxing at firing ang bonding nina Rocco at kanyang ama, minsan naman nagbo-bowling sila kasama ang brother ng aktor na si Kyle. Isang T-shirt ang regalo ng magkapatid sa kanilang ama last Father’s Day na ikinatuwa nito nang husto.

Dagdag pa ni Mr. Nacino, blessed siya sa pagkakaroon ng mabait na anak gaya ni Rocco.

Kung magkaka-love life man ang anak at kung si Lovi Poe ‘yun, hindi siya tutol dahil magalang, masipag, at masayang kasama ang dalaga. Muli nga pala silang magkakatambal ni Rocco sa primetime soap ng GMA 7 na Hanggang Ngayon at sa docu-series ng GMA News TV na Titser.

Pinag-react naman namin si Rocco sa tsikang favorite siya ng GMA 7 kaya sunud-sunod ang project niya?

“I don’t think may favoritism sa GMA at hindi ko ini­isip ‘yun. Thankful ako that they trust me at nagi­ging motivation ko ‘yun to work harder. Blessed si­guro ako kaya ‘di ako nawawalan ng project at nakikita rin ng network na I work hard for every project and every role na ibinibigay nila sa akin,” sabi ni Rocco.

Bakla at tomboy magsasama na sa my husband’s

Inaabangan na ng viewers ng My Husband’s Lover ang aktor na gaganap sa role ni Zandro, ang openly gay cousin ni Vincent (Tom Rodriguez). Ang suggestion ng viewers, si Paolo Ballesteros ang kunin to portray Zandro, tingnan natin kung pakikinggan sila ng GMA 7 at ng headwriter nitong si Suzette Doctolero.

Maggi-guest din si Gino dela Peῆa bilang si Mark na boss ni Eric (Dennis Trillo). Hindi pa ma­li­naw kung bading din ang role nito o straight man.

Tatlo pang main characters at isa rito’y lesbian at may suggestion uli ang viewers kung sinong aktres ang gusto nilang mapanood na gumanap sa nasa­bing role.

Samantala, na-post ni Dennis Trillo na pumunta sa taping nila si Jessica Soho para interbyuhin sila ni Tom Rodriguez.

Nakakatuwa palang malamang hindi pa rin nakakalimutan ni Tom ang mga kasama sa Be Careful With My Heart. Tuwang-tuwa ito nang mag-tweet ng kanyang suporta si Aiza Seguerra at nang ma­katanggap ng text mula kay Direk Jeffrey Jeturian, Sylvia Sanches, at Divina Valencia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: