^

PSN Showbiz

Kris kilig na kilig sa loveteam nina Bimby at Ryzza

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Part ng second anniversary presentation ng Kris TV ang pagpalabas ng Singapore vacation nina Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby. Mapapanood ang mga pinuntahang tourist destination, ang mga pagkaing tinikman ng mag-iina mula Monday, June 24.

Anyway, masayang ibinalita ni Kris na pumasok sa Magic 8 ng MMFF ang Torky and My Little Bossing na bida sina Vic (as Torky) at Bimby (as the little bossing). Kasama rin si Ryzza Mae Dizon at may special participation siya as the mother of Bimby. Co-producer din siya ng movie under her Kris Aquino Productions, MZet Films, OctoArts Films, at APT Entertainment.

Si Bb. Joyce Bernal ang director ng movie at thankful siya kina Vic at sa co-producers na pumayag na hindi si Tony Reyes ang director. Comfortable raw si Bimby kay Joyce at si Tony na ang Supervising Producer.

Gusto ni Kris ang story nang i-present sa kanya dahil 2013 version ng Pido Dida at si Bimby ang gaganap sa role niya sa nabanggit na movie nila ni Rene Requistas. Excited daw si Bimby at tinanong kung siya ang bida. Hindi pa nagmi-meet sina Bimby at Ryzza at sa shooting na lang sila pagtatagpuin ni Mr. Tuviera para natural daw ang ilangan. End ng July ang target shooting ng movie.

Pero pinapanood na ni Kris kay Bimby ang show ni Ryzza at pati Eat...Bulaga  at “funny” daw si Ryzza, pero nakiusap na ‘di siya sasayaw ng cha-cha. Kinikilig si Kris sa magiging love team nina Bimby at Ryzza.

 â€œNa-i-excite ako, ang daming suggestion ni Bimby, gusto action with flying. Ang request ko lang, ‘di maapektuhan ang schooling ni Bimby sa shooting at Friday, Saturday, and Sunday lang siya magsu-shooting up to 8 p.m., Saturday lang siya puwedeng mag-10 p.m., shooting, kailangan galangin ang DOLE. Hindi ako magwu-work the whole time na nagsu-shooting si Bimby, nakatutok ang nanay,” say ni Kris.

Part din ng rason na hindi magtatrabaho sa July si Kris dahil lilipat sila sa nabi­ling bahay sa Ayala, Alabang at magiging busy siya sa pag-aayos nito.

“Bubusisiin ko ang kitchen, ready na siya lalamanan na lang. Pina-feng shui ko na at July 16, 6 a.m., kami lilipat. Sobrang excited ako dahil may totoong house na kami. Ayaw ko ng blessing in public. Ipapakita ko lang ang dining room at kitchen.”

Nausisa rin si Kris sa isyung tatakbo siyang Vice-President sa 2016 elections at naghahanda na nga raw siya?

“Kung may stable income na ako, ‘yung hindi ako magre-rely sa showbiz income ko that’s the only time. Dapat din mag-start sa local government at hindi national government agad, maganda may experience muna, ang dami ngang nag-o-offer na mag-OJT ako sa kanila, tingnan ko raw kung kaya ko,” sagot ni Kris.

Sa tanong kung may chance pa silang magkaayos ni James, “I’ll take my cue from Kim (Chiu).  Sabi niya, hindi dapat pinipilit, kusang mangyayari ‘yun. But sincerity comes from both sides,” pagtatapos ni Kris.

vuukle comment

BIMBY

JOYCE BERNAL

KRIS

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO PRODUCTIONS

MR. TUVIERA

RYZZA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with