Back to Top
The Voice coaches may mic test...
June 8, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bago marinig ang pinakamahuhusay na boses sa bansa sa pinakainaabangang singing-reality show na The Voice of the Philippines, pakinggan muna ang boses ng hosts at coaches at kilalanin sila ngayong Linggo (June 9) sa Mic Test: The Voice of the Philippines Primer.

Sa unang pagkakataon, bubuksan ng coaches na sina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Ms. Lea Salonga; host na si Toni Gonzaga; at V Reporters na sina Robi Domingo at Alex Gonzaga ang kanilang personal at propesyunal na buhay sa isang ekslusibong interview na tatalakay sa kanilang pinagmulan, mga pagsubok sa buhay, at daan tungo sa tinatamasang kasikatan bilang local o international personalities. Ibabahagi rin nila ang mga hindi pa nakikitang larawan at video sa mahahalagang kaganapan sa buhay nila.

Sumilip rin sa mga eksenang dapat abangan sa Blind Auditions, isang naiibang proseso ng audition ng kumpetisyon na nakakuha ng atensiyon ng international viewers, at alamin mismo sa mga coach kung ano ang mga katangiang hinahanap nila sa mga artist na gusto nilang maging bahagi ng kanilang team.

Samantala, magbibigay din ang The Voice UK coach at lead vocalist ng bandang The Script na si Danny O’Donaghue ng tips sa pagiging isang coach sa patok na singing competition at ikukuwento ang kanyang mga karanasan sa pagsasanay sa ilan sa pinakamahuhusay na boses sa United Kingdom.

Alamin ang lahat ng dapat mong malaman sa singing-reality show na The Voice of the Philippines ngayong Linggo (June 9) sa Mic Test: The Voice of the Philippines Primer,  8:15 PM sa ABS-CBN. 

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng The Voice of the Philippines sa June 15.

ALEX GONZAGA BLIND AUDITIONS DANNY O LINGGO MIC TEST MS. LEA SALONGA ROBI DOMINGO VOICE OF THE PHILIPPINES VOICE OF THE PHILIPPINES PRIMER
  • Latest
  • Trending
Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with