PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

KZ Tandingan gustong makapagbago ng buhay sa kanyang mga kanta

MANILA, Philippines - Handa nang patunayan ni KZ Tandingan ang kanyang winning ‘X factor’ dahil inilunsad na kamakailan ng Star Records ang kanyang unang self-titled album, ilang buwan matapos niyang mapagtagumpayan ang sikat na reality talent search na The X Factor Philippines season one.

Tampok sa ten-track album ni KZ ang kanyang carrier single  na Puro Laro, ang mga awitin na Umiibig, Darating Din, Bakit Lumuluha, Un-Love You, Killing Me Softly, ang A Beautiful Affair soundtrack na Wag Ka Nang Umiyak, ang Himig Handog P-Pop Love Songs 2013 fourth placer na Scared to Death, at ang kantang Love Love Love na isinulat mismo ng The X Factor Philippines first grand winner.

Ayon kay KZ, ang nais niya bilang musikero ay ang makapagbigay ng pagbabago sa buhay ng mga tao. “Bilang isang singer, gusto ko talagang ma-touch ‘yung puso ng mga tao. Gusto kong maramdaman nila ‘yung soul ng isang awitin at maapektuhan ‘yung buhay nila in a good way through my music,” pahayag niya.

Bahagi rin ng album ang stripped version ng Bakit Lumuluha at ang lahat ng minus one ng mga kanta. Ang producer ng album ni KZ ay ang award-winning songwriter at record-producer na si Jonathan Manalo.

Ang debut album ni KZ ay mabibili na sa lahat ng record bars sa buong bansa sa halagang P250 lamang. Ang digital tracks ng album ay maaari rin i-download sa amazon.com, iTunes, at mymusicstore.com.ph.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: