PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kapamilya actress nag-o-audition para maging leading lady ni Dingdong

Habang nagpi-presscon si Dingdong Dan­tes para sa Dance of the Steel Bars, may au­dition para sa leading lady ng aktor sa Genesis, ang bagong soap na gagawin niya sa GMA Network, Inc. Ang tsi­ka, kabilang sa nag-audition ay Kapamilya star, hindi lang nasabi kung talent pa rin ng ABS-CBN ang aktres o hindi na.

Malapit nang simulan ni Dingdong ang ba­gong project to be directed by Bb. Joyce Ber­nal. Ang Mothership Productions na gumawa ng effects ng Tiktik: The Aswang Chro­nicles daw ang gagawa ng special effects ng Genesis.

  Anyway, gusto namin ang blurb ng movie na “Dingdong Like Never Before” dahil ibang Dingdong ang mapapanood. Nabanggit din ni Direk Cesar Apolinario na magaling ang aktor dito bilang si Mando na choreographer na nakulong at hindi conscious na guwapo siya.

May nabanggit si Dingdong na intimate scene nila ni Joey Paras, may ginawa silang interpretative dance, pero naintriga ang press sa sinabi nitong kaila­ngan nilang maging comfortable while doing the scene at may lifting pa. Kanya-kanyang interpretation na ang press sa nasabing eksena.

Sa tanong kung maangas din ang role niya sa Dance of the Steel Bars gaya sa Tiktik, sabi ni Dingdong, mas ensemble acting ang mapapanood dito da­hil marami rin sila sa cast pero lahat may shining moments.

Bago ang regular sho­wing sa June 12, may special screening ang movie sa mga inmate na kasama sa movie sa June 7 at June 10 naman ang premiere night. Ang Portfolio Films at GMA Films ang producers ng mo­vie na associate producer din si Dingdong.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Julie Anne at Daniel maghaharap na

Magkikita sina Julie Anne San Jose at Daniel Padilla na nagkaisyu kamakailan, ito ay kung pareho silang darating sa awarding ng OPM Young Ambassadors na gagawin sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Airport Casino Filipino sa Pasay City sa June 7.

Matatandaang hindi nagustuhan ni Daniel at nag-react ito sa video nina Julie Anne at Elmo Magalona na ang dating ng fans ng young actor ay patama kay Daniel. Sana dumating ang dalawa para makita kung magbabatian ba sila o magde-deadmahan.

Si Ogie Alcasid, Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) president ang nag-announce ni­to at kasama rin sa bibigyan ng award sina Abra at Yeng Constantino.

Na-announce rin pala ni Ogie na isa si Daniel sa kanyang mga guest sa concert niya sa Aug. 16. Hindi pa sinabi kung saan ang concert na celebration ng 25th anniversary ng singer-songwriter sa showbiz.

GMA Films susunud-sunurin na ang ilalabas na pelikula

Sunud-sunod na ang showing ng mga pelikula ng GMA Films. Mauunang ipalabas ang Dance of the Steel Bars sa June 12, susunod ang My Lady Boss sa July 3, at Basement sa Aug. 14.

Sana nga hindi na mabago ang playdate ng My Lady Boss dahil kahit sina Richard Gutierrez at Ma­rian Rivera ay natatagalan sa showing nito. Ang Basement naman ay may three days na shooting pa, pero tiniyak na matatapos ni Direk Topel Lee ang mga natitirang eksena para maipalabas na ito.

Kasama sa Basement si Sarah Lahbati, sigura­dong hindi ito nakapag-dubbing bago bumalik sa Switzerland pero madali nang remedyuhan ito.

Ayaw pang magbanggit ng future film projects ang GMA Films at gusto’y maipalabas muna ang My Lady Boss at Basement.

Ogie itinali na sa kapalit na Sunday show ng GMA

Nabasa namin sa Twitter account ng GMA ang mga kasama sa bagong show na Sunday All Stars o SAS. Unang nasabi na ang Big 4 na sina Regine Ve­lasquez-Alcasid, Jaya, Janno Gibbs, at Ogie Alcasid.

Naka-label namang team leaders sina Christian Bautista, Jennylyn Mercado, Mark Bautista, at Jolina Magdangal. Ang alam namin, team leader din si Rachelle Ann Go pero problemado ito dahil sa­bay ng launching ng SAS sa June 9, ang ope­ning ng musical na Tarzan na siya ang gaganap na Jane. Nag-beg off muna siguro ang singer-actress sa launching ng SAS na si Rommel Gacho ang direktor.

Kasama pa rin si Ogie sa lineup ng SAS. Ibig sa­bihin kaya’y mananatili siya sa GMA Network at hindi matutuloy ang paglipat sa TV5 o hihintayin pa rin ang pag-i-expire ng kontrata this June?

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: