^

PSN Showbiz

Aktres nuknukan ng sinungaling, hilig-hilig mag-deny sa kalaunan totoo naman pala

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nuknukan ng sinungaling ang aktres kaya hindi na siya sineseryoso ng mga reporter.

Mahilig mag-deny ang aktres sa lahat ng isyu na kinasasangkutan niya pero ang ending, totoo naman pala.

Masuwerte ang aktor na ex-boyfriend ng aktres dahil hindi na siya magdurusa sa kasinungalingan ng kanyang ex-dyowa.

Paano kaya nakakatulog ng mahimbing ang hitad na nabubuhay sa kasinungalingan?

Wally Bayola naghahanap-buhay kahit iika-ika!

Masipag si Wally Bayola dahil kahit nagkaroon siya ng motorcycle accident noong Linggo, nag-report pa rin siya sa Eat Bulaga.

Iika-ika ang paglalakad ni Wally nang mapanood ko siya kahapon sa All for Juan segment ng Eat Bulaga sa Pangasinan.

Puwedeng-puwedeng mag-file ng sick leave si Wally sa Eat Bulaga pero umiral ang pagiging professional niya. The show must go on para sa kanya.

Kean Cipriano pasaway, hindi pinagbigyan si Ryzza

Mama Salve, ano ba ang nangyari kahapon sa The Ryzza Mae Show? Hindi kasi ako nakapanood dahil may important appointment ako. Nabalitaan ko na lang na imbyerna ang fans ni Ryzza kay Kean Cipriano at sa mga member ng Calla Lily dahil nayayabangan sila sa banda na tumanggi na sumayaw ng Chacha.

Feeling sikat daw si Kean.

Nag-aaway na nga ang fans nina Ryzza at Kean dahil na-bash ito nang todo sa mga social media.

Siyempre, mas marami ang kumakampi kay Ryzza dahil ang feeling ng fans, binastos siya ni Kean.

Sen. Bong at Lani, nag-celebrate ng 27th Wedding Anniversary

Happy 27th wedding anniversary kina Senator Bong Revilla, Jr.at Congresswoman Lani Mercado.

Kahapon ang wedding anniversary nina Bong at Lani.

Nakatanggap si Lani ng very lovely flowers mula sa kanyang loving husband.

Ang sweet ng dedication ni Bong sa card na ipinadala niya sa kanyang misis.

Ito ang wedding anniversary message ni Bong: “Dear Mama, I cannot thank you enough for all the love you’ve given me and our family all these years.

“I am so grateful because despite the trials we’ve gone enough, our family is strong and will always be together.

“Talagang napakaswerte ko sa iyo! I love you and always will. Happy 27th!”

Kaklase ng controversial figure na nanalo last election, ipinagkakalat ang kanyang kabadingan

Naglitawan ang mga nega news tungkol sa isang controversial figure dahil nag-win siya sa nakaraang eleksiyon.

Nega dahil mga dating kaklase ng controversial figure ang nagkakalat ng tsismis na kumukuwestyon sa kanyang sexual preference.

I’m sure, aware ang controversial figure sa mga tsismis tungkol sa kanya. Dedma na lang siya or else, lalong magiging malaki ang tsismis kapag pinatulan niya.

Jayr manager na manager ang dating

Dahil sa appointment ko kahapon, hindi ko na napakinggan ang pagkanta ng Kley, ang banda na mina-manage ni JayR.

Si JayR ang punong-abala sa pag-aasikaso sa press.

Manager na manager siya habang ipinapakilala ang band members na malapit sa puso niya dahil member ng Kley  ang kanyang pamangkin na si Deejay Poblete.

In fairness to me, napakinggan ko ang mga kanta sa first self-titled album ng Kley. Magaganda ang songs na malaki ang chance na magustuhan ng masa.

Ginanap ang presscon ng Kley sa ballroom ng Hotel Rembrandt. Nakakaloka ang venue na sobrang laki para sa presscon ng Kley. Pati yata si JayR, nalula sa lawak ng ballroom.

vuukle comment

DAHIL

EAT BULAGA

KEAN

KEAN CIPRIANO

KLEY

LANI

RYZZA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with