PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pasosyal na boyfriend ni Anne at Georgina Wilson, kinabubuwisitan dahil sa pagtataray

Seen : Ang pasasalamat ni Teri Onor sa kanyang mga kababayan sa 1st District ng Bataan province dahil muli siyang nahalal na number one board member.

Scene : Hindi Kita Iiwan ang pamagat ng bagong afternoon teleserye ng GMA 7. Mga bida sina Bianca King, Rafael Rosell, Dion Ignacio, Ayen Laurel, at JC Tiuseco.

Seen : Nega sa masa ang mga pasosyal na sina Georgina Wilson at Erwan Heussaff dahil sa pagtataray nila sa Twitter kay Manila City Mayor-Elect Joseph Estrada. Nakilala lang si Erwan nang maging boyfriend siya ni Anne Curtis at si Georgina nang maging girlfriend ito noon ni Richard Gutierrez.

Scene : Affected na affected si Jed Salang sa mga batikos sa kanya sa social media dahil sa mga rebelasyon ni AiAi delas Alas tungkol sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Seen : Sixty gifts mula sa kanyang fans ang natanggap ni Nora Aunor sa 60th birthday celebration niya sa Meralco Theater noong Martes.

Scene : “First Lady” ng Bulacan, Bulacan si Ara Mina dahil re-elected na mayor ng bayan ang kanyang boyfriend na si Patrick Meneses, ang ex-boyfriend ni Aiko Melendez.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Seen : Ang tweet ni Ethel Booba na balatuhan sana siya ni Willie Revillame sa retirement fee na makukuha nito bilang host ng Wowowillie.

Scene : Pupunta sa Legazpi City ang cast ng Misibis Bay ng TV5 dahil kukunan sa Misibis Bay ang mga eksena ng teleserye na tatampukan nina Vivian Velez, Christopher de Leon, Vin Abrenica, Luke Jickain, Ritz Azul, at Megan Young.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: