^

PSN Showbiz

Anak wala pang kamalay-malay: Live in partners na actor at aktres, tuluyan nang naghiwalay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi shocking ang balita na hiwalay na ang live-in partners na aktor at aktres. Bago pa nag-umpisa ang kanilang relasyon, may mga hula na hindi magtatagal ang kanilang pagsasama dahil masyadong career-oriented ang mhin na ngayon lang naranasan  na sumikat.

Wish ko lang, maayos ang kanilang problema, alang-alang sa anak  nila na inosente at walang kamalay-malay sa nangyayari sa mga magulang niya.

Gordon ang tapang ng mga dialogue

Na-miss ko ang presscon na ipinatawag ni Mother­ Lily Monteverde para kay Papa Dick Gordon dahil late na nang matapos ang PAMI meeting namin noong Huwebes ng gabi.

Hindi na ako nakahabol sa presscon ni Papa Dick dahil tapos na ito nang tawagan ko ang in charge sa event.

Nanghinayang ako dahil favorite ko pa naman si Papa Dick. Bilib na bilib ako sa nagawa niya noon sa Subic at sa kanyang achievements bilang senador.

Ang mga kagaya ni Papa Dick ang dapat na iniluluklok sa puwesto dahil action man siya at hindi corrupt.

Prangka rin si Papa Dick. Hindi uso sa kanya ang paliguy-ligoy. Siya lang ang kandidato na matapang na nagsabi na kung hindi dahil sa dating Presidente Cory, hindi magiging presidente ng Pilipinas si P-Noy

Gabby lagare sa dalawang network

Lucky girl si Eula Caballero dahil siya ang napili ng TV5 na maging bida sa Cassandra: Warrior Angel na mag-uumpisa sa Lunes.

Masuwerte si Eula dahil siya ang title role. Hindi kagaya ni Ritz Azul na leading lady ni Derek Ramsay sa Kidlat.

Palaging sinasabi nina Eula at Ritz na wala silang rivalry pero iba ang paniniwala ng kanilang fans na walang inaatupag kundi ang pagkumparahin ang mga TV project at exposure ng dalawang prinsesa ng Kapatid Network.

Si Gabby Concepcion ang gumaganap na tatay ni Eula sa Cassandra. Naglalagare si Gabby sa dalawang network dahil may special participation siya sa isang drama series ng ABS-CBN at starring sa fantaserye ng TV5.

Walang conflict sa paglalagare ni Gabby dahil matagal pa ang airing ng drama series niya sa Kapamilya Network. Tiyak na tapos na ang Cassandra kapag ipinalabas ng ABS-CBN ang drama series na sinasabi ko.

Bagong serye ni Jessy Mendiola sa Visaya pa kinukunan

Nagkita kami ni Chito Roño sa parlor ni Bambbi Fuentes, na matatagpuan sa Timog Avenue, noong Miyerkules. Ikinuwento sa akin ni Chito na kagagaling lamang niya sa Visaya dahil dito nag-taping ang bagong afternoon teleserye  na pinagbibidahan ni Jessy Mendiola.

Si Chito ang direktor ng project na pinagbibidahan din ni Tonton Gutierrez. Hindi na pinapunta ni Chito si Tonton sa Visaya. Gumawa na lang siya ng paraan para makasama sa eksena si Tonton na kaliwa’t kanan din ang mga TV project.

Ryzza Mae pinapak si Derek

Panay ang nakaw ni Ryzza Mae Dizon ng halik kay Derek Ramsay nang umapir ito kahapon sa The Ryzza Mae Show.

Umiral ang kapilyahan ni Ryzza Mae dahil ininggit-inggit pa niya ang female audience sa Broadway Centrum studio. Habang tumatagal, lalong nasasanay si Ryzza sa kanyang ginagawa. Enjoy na enjoy siya sa kanyang raket bilang youngest television host.


                                             

vuukle comment

BAMBBI FUENTES

DAHIL

DEREK RAMSAY

EULA

JESSY MENDIOLA

PAPA DICK

RYZZA MAE

VISAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with