PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pelikula nina AiAi at Marian isasali na lang sa 2013 MMFF

Tama ba ang nabalitaan naming hindi na sa October ipalalabas ang Kung Fu Divas nina Ma­rian Rivera at AiAi delas Alas kundi sa December na? Isasali raw ang pelikula sa Metro Manila Film Festival na, actually, maganda ang playdate.

Kaya lang, paano kung bigyan ng filmfest movie ng Star Cinema si AiAi? Ibig sabihin, mauurong na naman ang playdate ng Kung Fu Divas? Baka naman sa 2014 na ito maipalabas. Saka busy ang Concert Comedy Queen that time dahil Dec. 8 ang church wedding nila ni Jed Salang.

Nauna nang naurong ang showing ng My Lady Boss nina Marian at Richard Gutierrez dahil sa July 3 na raw ang showing na parang napakatagal pa. Nagtatanong ang fans ng dalawa kung wala bang magagawa ang Regal Entertainment, Inc. at GMA Films para maipalabas ng mas maaga ang My Lady Boss?

Aktres binalikan ang nilayasang pelikula

Siguradong nakahinga ng maluwag ang isang direktor dahil binalikan ng bidang aktres ang ginagawa niyang pelikula. Nag-panic si Direk nang sa isang shooting nila ay umalis sa set ang aktres dahil may biglang sumakit na parte ng katawan.

Nakuwento ng director sa mga kaibigan ang takot niya na baka hindi matapos ang pelikula sa ginawa ng aktres. Bale ba may schedule siyang sinusunod at limitado ang budget kaya kailangang matapos sa schedule ang movie.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nabalitaan na lang namin na nagsyu-shooting na uli ang aktres at nangakong ta­tapusin ang pelikula na dapat lang dahil siya ang choice ng direktor na maging bida sa pelikulang may kakaibang title.

Lexi sisitahin si Jake sa pag-amin ng naging relasyon

Maganda ang attitude ni Lexi Fernandez na hindi magreklamo kahit puro kontrabida roles ang ibinibigay sa kanya ng GMA 7. Ang importante sa kanya ay may trabaho siya para makatulong sa inang si Maritoni Fernandez na isang single mother. Kung mag-inaarte siya, baka hindi na siya bigyan ng trabaho ng GMA 7.

Naniniwala naman si Lexi na darating din ang right time niya na mabibigyan siya ng mabait at bidang role. Hindi siya magsasawang maghintay at iniisip na lang na kaya puro kontrabida ang papel ay dahil may tiwala sa kanya ang Channel 7 na she can deliver.

May takot lang si Lexi sa pagkokontrabida niya sa Kakambal ni Eliana dahil baka magalit na sa kanya ang viewers. Very bad siya rito at aapihin ng husto ang bidang si Kim Rodriguez kaya ipinauuna na niya sa viewers na nagtatrabaho lang siya at may ginagampanang role.

Natawa pala si Lexi sa sinabi naming inamin ni Jake Vargas na nag-on sila for sometime. Sisitahin niya ang ex-BF kung bakit inamin ang pinag-usapan nilang ililihim na relasyon.

Anniversary ni Kuya Germs sisiputin ng taga-ABS-CBN at TV5

Magsasama-sama ang mga artista ng ABS-CBN, TV5, at GMA 7 sa 50th anniversary sa showbiz ni German Moreno at tiniyak nitong darating ang mga inimbita niya dahil siya mismo ang nag-iimbita. Hanggang ngayon, patuloy pa rin sa pang-imbita ang TV host na sobrang excited na sa magaganap sa April 24 sa Newport Performing Arts ng Resorts World sa Pasay City.

Tatlong directors ang hahawak sa anniversary celebration at sila ay sina Direk Mark Reyes, Louie Ignacio, at Al Quinn. Nag-confirm na darating sina Sharon Cuneta at Dawn Zulueta at marami pang iba kaya magiging reunion din ang event ng naging hosts ng mga show ni Kuya Germs sa GMA 7.

Isasabay sa 50th celebration ang labas ng Coffee Table Book na sabi ni Kuya Germs ay marami pang malalaman ang makakabasa sa mga pinagdaanan niya sa showbiz. Sa April 27 naman ipalalabas ang TV coverage ng magarbong affair.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: