^

PSN Showbiz

Kris at Bimby makakalipad pa-Europe, hiling na hold departure order ni James ni-reject ng korte! Kris naghahanda na sa 2016?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakaalis ng bansa ang mag-iinang Kris Aquino at Bimby kasama ang isa pang anak na si Joshua ngayong araw papunta ng Europe. Ito ay matapos ibasura ng Makati Court ang hinihiling na Hold Departure Order ng ex husband ni Kris na si James Yap.

Maalalang naghain ng HDO ang basketbolista laban sa kanyang mag-ina nang maglabas ang korte ng Temporary Protection Order laban sa kanya.

Bago ang desisyong ito ng korte ay nauna nang nag-isyu ng gag order ang korte laban sa magkabilang panig – kasama na ang kanilang mga abogado – si Atty. Frank Chavez para kay Kris at si Atty. Lorna Kapunan for James.

Dahil nga sa nangyari, maraming nalulungkot dahil wala na silang pagpipiyestahan dahil pinatatahimik na sila at bawal nang magkuwento tungkol sa mga nangyayari sa kanila.

Samantala, ayon sa isang showbiz observer baka raw ang pamamahinga ni Kris sa showbiz ay preparasyon na para sa pagpasok niya sa pulitika sa 2016.

Noon pa lumulutang na inihahanda si Kris sa 2016.

At kung binusalan na sina Kris at James, kabaliktaran naman ito sa nanay ni Heart Evangelista na panay ang padala ng press statement sa mga TV reporter.

Ang sabi niya, lumalala ang kalagayan ng kanyang asawa na napanood lang three days ago sa TV nang magpatawag sila ng presscon na malakas at parang wala namang karamdaman.

Ang sabi pa, kailangan na ni Heart umuwi dahil baka kung anong mangyari sa ama nito ay alam na niya (ng nanay) ang sisisihin.

Parang ang bilis naman yata ng mga pangyayari. Agad-agad may karamdaman na samantalang nakapag-presscon pa?

Anyway, nasa area lang daw ng Quezon City si Heart at wala naman itong planong magtago. Nagpapalipas lang daw ito ng sama ng loob sa kanyang mga magulang dahil hindi sila tinitigilan ni Sen. Chiz Escudero.

Wally at Ate Gay, maghaharutan sa Zirkoh ngayong Sabado

 

Ilalantad nina Wally Bayola at Ate Gay ang kanilang kiliti at paglalandi sa nakababaliw na pinagsamahang show na This GAY is in love w/u, PARE! na mapapanood ngayong gabi sa Zirkoh Comedy Bar-Tomas Morato, QC. Ngayon lamang magkakaroon ng back to back show ang dalawang komedyante na may sari-sariling hukbo ng taga­hanga!

Fresh from his Jose & Wally Concert sa Araneta Coliseum last March 15, magpapabaon ng kakulitan sa stage si Wally bago ang Semana Santa, huh! Madodoble ito lalo na’t may ibang estilo rin ng pagkanta at pagpapakuwela si Ate Gay.

Sasamahan sina Wally at Ate Gay na mga bihasa rin sa pagpapatawa ng stand up comics na sina AJ at Chazz. Tiyak na riot lalo ang palabas kapag nagsabay-sabay na sila sa stage, huh!

Para sa tickets sa This GAY is in love w/u, PARE, puwedeng makabili sa Zirkoh o di kaya, mag-text sa 0916-7878-553 at 0918-407-4172.

 

 

 

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ATE GAY

CHIZ ESCUDERO

FRANK CHAVEZ

HEART EVANGELISTA

HOLD DEPARTURE ORDER

JAMES YAP

KRIS AQUINO

LORNA KAPUNAN

MAKATI COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with