^

PSN Showbiz

Gerald ramdam na may kulang pa sa buhay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Excited na si Gerald Anderson na maipalabas ang bagong teleserye niyang Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Sa nasabing proyekto ay pinalitan ni Dawn Zulueta si Maricel Soriano kaya ito na ang pangalawang beses na nakatrabaho ni Gerald si Dawn. Una nang nagkasama sina Dawn at ang binata sa pelikulang Catch Me I’m In Love noong 2011.

“Sobrang bait. Sobrang suwerte namin na si Miss Dawn ang nakasama namin sa cast namin,” bungad ni Gerald.

Kahit may mga kontrobersiyang kinasasangkutan ang aktor tungkol sa kanyang buhay pag-ibig ay nananatili namang positibo ang kanyang pananaw tungkol dito.

“There’s always a rainbow after the storm. Kailangan lang maging positive. Siyempre kasama talaga ’yan eh. Kung ’di ka magi­ging strong, doon magiging mahirap. So you should stay strong. May mga pinagdadaanan tayo pero I’m very happy right now,” paliwanag ni Gerald.

Kahit maraming mga biyayang natatanggap ang aktor ay ramdam niya na may kulang pa sa kanyang buhay.

“Siyempre, wala namang buhay na kumpleto ’di ba? Puwede tayong maging kuntento at masaya kung ano’ng meron tayo ngayon, pero siyempre sa ngayon, bata pa naman ako. Ang dami ko pang gustong gawin,” pag-amin ng binata.

Ibinabahagi rin ni Gerald ang mga biyayang natatanggap niya sa mga taong malalapit sa kanya.

“Sina-shower ako ni Papa God ng maraming blessings. Gusto ko ring gawin ’yon para sa mga malalapit sa akin,” giit pa ng aktor.

Sexy scenes ni Nikki ’di pinanood ni Billy

Kamakailan ay pinag-usapan ang maiinit na eksena na ginawa nina Nikki Gil at Patrick Garcia sa teleseryeng Apoy sa Dagat. Ayon kay Nikki, hindi naman pinagselosan ng kanyang kasintahan na si Billy Crawford ang aktor sa nasabing eksena.

“Hindi na bagets si Billy, hindi na rin naman ako bagets. Saka alam na rin niya na hindi ako ganun sa totoong buhay. Alam naman niyang role lang ‘yon,” bungad ni Nikki. Ipinaalam daw ng dalaga kay Billy ang eksena nila ni Patrick para hindi ito ikagulat ng kasintahan.

“Sabi lang niya, ‘Naiintindihan mo naman siguro kung di ko na lang papa­noorin.’And for me, oo naman. It takes a mature man to be able to handle that and I’m very thankful to Billy, mature na tao. Alam niyang trabaho lang,” kuwento ng dalaga.

Samantala, umaasa naman si Billy na mabibigyan pa ng mas maraming ac­ting projects si Nikki dahil magaling ang dalaga.

“Of course he will say that, he’s boyfriend. Any artist would hope for a good project, na magpatuloy kung ano man ‘yung magagandang bagay na nangyayari sa karera nila. So, sana magdilang-anghel si Billy,” nakangiting giit ni Nikki. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                   

vuukle comment

ALAM

BILLY

BILLY CRAWFORD

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

CATCH ME I

DAWN ZULUETA

GERALD ANDERSON

NIKKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with