^

PSN Showbiz

Dalawang aktres hindi pa tapos sa giyera, nagharap pero walang eye contact!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Far from over ang conflict ng dalawang maga­ling at magandang aktres at halata ito sa mga kilos nila nang magkita sa isang showbiz event. Bukod sa pagde-dedmahan, iniwasan ng dalawa na magkaroon ng eye contact kaya kahit halos face to face na sila ang lalayo ng tingin ng mga hitad!

May segment sa showbiz event na tinawag paakyat ng stage si Actress A at nagkataong nasa stage si Actress B. Puwedeng-puwede silang magtinginan pero nag-effort ang dalawa na hindi magtama ang kanilang mga mata at successful silang hindi magka-eye-to-eye contact.

Dapat magkasama sa isang project ang dalawang aktres, obvious na isa sa kanila’y nag-backout dahil biglang nabago ang cast. Naiwan si Actress A pero out na si Actress B at pinalitan siya ni Actress C.  Ang irony nito, may konek sa love life sina Actress B at Actress C.

Alden pinapantasya ang mas matatandang babae

Sa March 18, pagkatapos ng Indio ang pilot ng Mundo Mo’y Akin, kinakabahan man, umaasa si Alden Richards na panono­orin ang bago nilang soap ni Louise delos Reyes at magaya ito sa One True Love na sinubaybayan hanggang matapos.

Challenge sa kanilang dalawa ang ka­kaibang material at ang mga bagong kasama, pero sa tulong ni Direk Andoy Ranay, tiwala si Alden na nakakasabay sila sa husay sa acting ng mga kasama sa cast.

Si Jolina Magdangal ang gumaga­nap na nanay-nanayan ng karakter ni Alden na si Jerome. Hindi raw sila nailang na gumanap na mag-ina sa soap dahil nagkikita na sila sa Party Pilipinas.  Excited si Alden to work with the other cast dahil alam na marami siyang matututunan.

Nagulat lang kami sa sinabi ni Alden na puwede siyang magkagusto sa older woman, around five years ang tanda sa kanya. Bukod sa mas maraming experience ang older woman ay marami rin siyang matututunan.

Which explains kung bakit puro older sa kanya ang mga type at pina-fantasize niyang babae. Una nitong binanggit si Alessandra de Rossi.

“Ibang-iba siya, masarap kasama, kalog, at nakaka-attract ang persona­lity,” paglalarawan niya.

Kasama rin sa listahan ni Alden si Anne Curtis na never pa niyang na-meet in person. Gusto rin niya itong makatrabaho at magdyi-gym siya ’pag may project sila together para masabayan ang kaseksihan nito. Willing siyang magkaroon ng butt exposure kung may project sila ni Anne.

Si Megan Fox dahil “she puts the ’s’ sa sexy word,” say niya.

At si LJ Reyes daw. “Ang sexy niya sa FHM, binasa ko ‘yun. Grabe, ang sexy niya!” sabi ni Alden.

Bamboo at Gary V. makiki-showdown na kina Jose at Wally

  Bukas na ang Jose and Wally Concert a Party for Juan and All na gagawin sa Smart Araneta Coliseum. Ready na ang dalawa na muling magbigay ng tuwa at kasiyahan sa manonood sa kanila. Doble ang kaba at takot ng dalawa kesa una nilang concert dahil kailangan nilang patunayan na hindi tsamba na napuno nila ang Big Dome sa una nilang concert.

   Isa sa dapat abangan ng audience ay ang number ni Jose kasama ang idol niyang si Bamboo at si Wally nama’y kasama si Gary Valenciano. Kung tama ang basa naman sa press release, may production number ang apat. Riot ito for sure!

Nanghinayang si Jose na hindi natuloy mag-guest si Martin Nievera, ang gan­da sana kung may Martin, Gary, at Ogie Alcasid silang guests. Also gues­ting are Pokwang, Ryzza Mae Dizon, Jericho Rosales, and Dingdong Dantes.

Direk Andoy itinodo na hanggang ngudnguran ang idinirek na ala-Mexicanovela

“I’m sooo back!” sabi ni Direk Andoy Ranay nang makausap namin sa presscon ng Mundo Mo’y Akin na kanyang dinidirehe. Ibang-iba raw ang nabanggit na soap sa One True Love na siya rin ang director at bida ang love team nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

Kung ang una ay mala-Koreanovela, ang Mundo Mo’y Akin ay Mexican te­lenovela. “It’s over the top. Sampalan, ngudnguran, at talagang sakitan ito. Inilagay ko na ang lahat ng pasabog sa 2013 dito,” ani Direk Andoy.

 Happy ang director sa kanyang cast dahil puro magagaling at professional. Kahit si Sunshine Dizon na sa Guagua, Pampanga pa umuuwi ay maagang dumarating sa set. Ang alam ni Direk Andoy, 16 weeks tatakbo ang Mundo Mo’y Akin at tiwala siyang hindi sila mauubusan ng pasabog.

Samantala, ginagawa ni Direk Andoy sa Viva Films ang remake Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi sa direction nang namayapang si Danny Zialcita. Hindi raw talagang remake ang movie, kundi based sa film ni the late Direk Danny.

Tampok dito sina Dina Bonnevie, Alice Dixson, at Gabby Concepcion at Andi Eigenmann, Cristine Reyes, at Jake Cuenca.

vuukle comment

ACTRESS A

ACTRESS B

ACTRESS C

ALDEN

ALDEN RICHARDS

DIREK ANDOY

DIREK ANDOY RANAY

MUNDO MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with