PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Singer-actress buhos pati kaluluwa sa pagkanta, BF nakipaghiwalay dahil nakakita ng iba

Dalawang linggo na naming napapanood si singer-actress (SA) at obvious na sa pagkanta ibinubuhos ang pain sa breakup nila ng nakarelasyon na isang sikat na celebrity. Kung dati ay may puso lang siyang kumanta, two Sundays nang may puso at kaluluwa kung siya’y mag-perform.

Akala ng marami, si SA ang nakipag-break sa nakarelasyon pero ang totoo’y siya ang hiniwalayan dahil nakakita ng bagong mamahalin ang nakarelasyon. Masakit ito kay SA dahil kung hindi kami nagkakamali, first relationship niya ito at pagkatapos ay hindi pa nagtagal.

Kapansin-pansin ding laging seryoso si SA lately at tila nakakalimutang ngumiti. Sana hindi magpatalo sa lungkot at sakit si SA dahil sayang ang talent niya kung magpapakasira siya.

Lauren handa nang giyerahin sa panggugulo kina Alden at Louise

Worth it para kay Lauren Young ang paghihintay niya ng project sa GMA Network dahil for her first project, isinama siya sa primetime soap na Mundo Mo’y Akin. Maganda rin ang karakter niya bilang si Darlene Carbonel at makaka-love triangle nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

Sobrang excited si Lauren na Friday pa lang yata nag-taping sa soap na magpa-pilot sa March 18, kapalit ng Pahiram ng Sandali. Walang naging problema si Lauren sa mga Kapuso talent. “Very welcoming silang lahat, ang iba sa workshop ko nakilala. I’m excited to work na and I guess ready nang magalit sa akin ang fans nina Alden and Louise,” sabi ni Lauren.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Iniintriga sina Lauren at Julie Anne San Jose na ka-love team ni Elmo Magalona na sabi ay BF ni Lauren, bagay na itinanggi nito. Friends lang sila dahil close friends niya ang mga kapatid nitong sina Maxene at Saab Magalona.

Kim kasabay sa workshop ang mga ahas

Istorya tungkol sa mga ahasang maglalaban sa afternoon time slot kung tama ang nabalitaan naming sasabayan ng ABS-CBN ang pilot ng Kakambal ni Eliana ng GMA 7 ng Galema.

Ilo-launch sa Kakambal ni Eliana si Kim Komatsu o Kim Rodriguez at leading men sina Kristoffer Martin at Enzo Pineda. Bida sa Galema si Andi Eigenmann, hindi pa lang namin alam kung sino ang mga makakapareha niya pero parehong sa April 22 daw ang airing.

Nabanggit ni Kim na sa workshop nila ay kasama nilang nagwu-workshop ang iba’t ibang laki ng ahas, mula sa maliit hanggang sa malaking ahas, na gaganap na kanyang kakambal. Noong una natakot at nandiri siya pero hindi pa man tapos ang workshop ay sanay na siyang hawakan ang mga ahas. May pangalan ang malaking ahas na gagamiting kakambal ni Kim, nakalimutan lang namin.

Bukod sa story, palakihan at pagalingan na lang umarte ng mga ahas. Pero sa kagaya naming takot sa ahas pass muna kami sa dalawang soaps. Afraid!

Lovi hindi na mahintay ng Regal at TV5

Mai-interview namin si Lovi Poe mamaya sa shooting ng The Bride and the Loverng Regal Entertainment, Inc. Matatanong na namin ito sa tsikang lumalabas na uli sila ni Jake Cuenca na natigil noong umeere pa ang Yesterday’s Bride nila ni Rocco Nacino. Ang latest sightings sa kanila ay sa isang hotel daw.

Also, matatanong din namin si Lovi sa action-thriller soap nila ni Richard Gutierrez na Love and Lies. Kung member ng Navy Seal si Richard, ano kaya ang role niya?

Siyempre, kukumustahin din namin kay Lovi ang hindi matigil na tsikang lilipat siya sa TV5 after mag-expire ang kontrata niya sa GMA Network at may nakahanda na raw project for her. In fact, kay Lovi ang Minsan May Isang Anak pero ibinigay daw kay Nadine Samonte dahil hindi na siya mahintay ng Regal at TV5.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: