^

PSN Showbiz

Kristine Hermosa lalayasan na ang Kapamilya, isasama sa sitcom ni Vic

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Kapag nagkataon, baka sa sitcom ni Vic Sotto sa GMA7 makikita ang pagbabalik ni Kristine Hermosa. Gusto siyang gawan ng character ni Bibeth Orteza sa Vampire ang Daddy Ko na nagtatampok din sa dyowa niyang si Oyo. Wala na namang kontrata si Kristine sa kahit na anong network kaya puwede itong gumawa ng assignment kahit saan.

Paulo nag-sorry

Babawian daw ng award ng EmPress si Paulo Avelino dahil sa mga hindi magagandang salita na binitawan nito during the awards night na narinig ng lahat dahil naka-on ang mic nito.

Sana huwag na. Mabawi man ‘yun o hindi Paulo has been recognized. Hindi na ‘yun matatanggal sa isipan ng lahat.

Nag-apologize na raw si Paulo. Tanggapin na lang nila.

Daniel madaling magpatawad

Okay si Daniel Padilla! Nagsabi ito na wala siyang dahilan para hindi tanggapin ang kapatid ng kanyang ama na nagbago ang kasarian. Kahit pa nga madalas ay nagkakamali siya at hindi malaman kung tatawagin itong Tito Rustom o Tita BB. Tulad nang minsan ay na-interview ito sa TV tungkol sa kontrobersiyal niyang kamag-anak. Hindi naging consistent ang pagtawag niya rito. Pero ang mahalaga ay kinikilala niya ito.

 

vuukle comment

BABAWIAN

BIBETH ORTEZA

DADDY KO

DANIEL PADILLA

KRISTINE HERMOSA

PAULO

PAULO AVELINO

TITO RUSTOM

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with