PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sheena tinigilan na ang pagpaparinig ng tungkol sa kasinungalingan

Binisita namin ang Twitter account ni Sheena Halili at mukhang nakinig ito sa kasamahang si Dinno Erece na tigilan na o bawasan ang pagpo-post ng verses sa kanyang account lalo na ‘yung tungkol sa “liar” at may double mea­n­ing.

Tama si Dinno na iba ang dating ‘pag may nakakabasa ng tweets ni Sheena na Proverbs, verses o galing sa Bible. Ang iniisip ay hindi pa ito naka-move on sa break-up nila ni Rocco Nacino.

Sabi ni Sheena na nakausap namin sa Golden Screen TV Awards, gusto lang niyang i-share ang mga nababasa niya sa kanyang followers. Masaya siya sa buhay niya at takbo ng career, lalo na at nanalo siya ng first acting awards niya. Siya ang nanalo ng Outstanding Supporting Actress In A gag or Comedy Show para sa Tweets for My Sweet .

Napapansin din ang husay niya sa acting sa Indio, kaya wala na raw siyang mahihiling pa. Kahit walang love life, masaya siya sa suporta ng kanyang pamilya.

Glaiza isa sa pinaka-guwapong Padilla ang bagong manliligaw

First time sa comedy si Glaiza de Castro kaya kahit kontrabida pa rin siya sa Vampire ang Daddy Ko, masaya siya. Chance na raw niyang ipakita ang co­medy side niya, ma-enhance ang alam niya sa pagpapatawa at alam niyang marami siyang matututunan working with Vic Sotto at iba pang kasama at siyempre ang maidirek ni Bibeth Orteza.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kahit hindi siya ang leading lady ni Vic Sotto dahil ang Korean na si Jinri Park ang love interest ni Vic, tinanong pa rin si Glaiza kung magiging maingat siya na hindi ma-link kay Vic?

“Kaibigan ko si Pauleen (Luna) at may respeto ako sa kanya. Alam kong off limits si Bossing,” sagot ni Glaiza.

Sabi ni Glaiza, may manliligaw siya, pero ayaw magbanggit ng pangalan dahil nahihiya siya. Hindi tuloy nakumpirma ng press kung nanliligaw sa kanya ang pamangkin ni Robin Padilla na si Chris Padilla na member ng Hilera Band at Oktaves Band ni Ely Buendia.

Hindi mabanggit ni Glaiza ang name ni Chris dahil nahihiya at hindi pa rin sila lumabas na sila lang at madalas, grupo sila. Sa mga gig niya nakilala si Chris na isa sa pinakagwapong Padilla.

Anyway, sa March 9, 6:45pm., ang pilot ng Vampire ang Daddy Ko na breather kay Glaiza sa tindi ng mga eksena niya sa Temptation of Wife. More to come pa raw ang kasamaan ni Heidi kay Angeline (Marian Rivera).

Carla nganga pa rin sa GMA 7, mas naunang magkaka-trabaho si Raymart

Magtatambal sana sa isang primetime soap sina Raymart Santiago at Carla Abellana, ang fantasy na Mrs. Snow White. Hindi nga lang natuloy ‘yun at kinansela ng GMA 7, pero ang sabi, naghahanap ng right project ang creative para sa dalawa.

Anyway, nabalitaan naming Bahay na Bato  ang title ng bagong soap, pero si Raymart pa lang daw ang tuloy at naghahanap pa ang network ng ipapareha sa aktor. Kung bakit hindi na tuloy si Carla, hindi namin alam, baka may kinalaman ang balitang aalis si Carla dahil may gagawing movie abroad.

Sa Bahay na Bato  din kasama si Jillian Ward na matagal nang walang soap sa Channel 7. Si Gil Tejada ang alam naming director ng bagong soap na ang dinig namin ay sitcom na dating Bahay Mo Ba ‘To?

Vic ipinareha sa DJ Korean beauty

Ang Korean beauty na si JinRi Park ang love interest ni Vic Sotto sa sitcom na Vampire ang Daddy Ko. First acting project ito ng dalaga and she’s very ho­nored  na mapasama sa cast dahil masaya sa set at very funny ang kapareha at Sir Vic ang tawag niya rito.

Inamin ni JinrRi na intimidated siya noong una, pero madaling nawala “because they make me feel I’m part of the cast,” sabi nito.

Wala pa man sa showbiz, kilala na si JinRi dahil natsikang naging GF siya ni Ely Buendia at naging GF din ni Paolo Bediones. In fact, nakita silang magkasama sa Baguio, pero after that, nag-break na.

Disc jockey sa RX 93.1 si JinRi, FHM  columnist, madalas sa FHM, lumabas sa May Tamang Balita  ng GMA News TV at ngayon, love interest na ni Bossing Vic.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: