^

PSN Showbiz

Manoy ipinaglihi sa sanggol kaya hindi tumatanda

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sino ang mag-aakala na sa gulang niyang 84 ay napapa­natili pa rin ni Eddie Garcia ang kanyang estado bilang aktor.

Sa isang indie film na lumilibot pa sa kasalukuyan sa mga international filmfest ay nakakasungkit pa rin siya ng best actor, isang ’di mapasusubaliang katotohanan kung kaya pagdating sa pagka-cast sa pelikula at mga palabas sa TV ay palagi pa ring nangu­nguna ang kanyang pangalan.

Ito ang nangyari sa seryeng Juan dela Cruz na sa kabila ng may ilang linggo na ring umeere ay nagawa pa ring makuha ang kanyang serbisyo sa nasabing programa na nagtatampok kay Coco Martin.

Nasa cast pa siya ng Aso ni San Roque ng GMA 7 ay gusto na siyang kunin ng ABS-CBN para sa nasabing serye. Matiyaga pa rin nilang hinintay ang availability niya. Marami ang puwedeng gumanap ng role na ibibigay nila pero hindi nila ito magagawa ng kasing effective ni Ed­die. Ngayong malaya na siyang ma­­kapag-trabaho sa Kapamilya Network, the vete­ran actor is just too glad to be able to do so.

Wala namang sikreto si Eddie sa kanyang pagi­ging isang in demand na aktor. Hindi siya tulad ng ibang may edad ng artista na kailangang pack-up na pagda­ting ng hatinggabi.

“I work even up to the wee hours of the morning, hangga’t may eksenang kailangan tapusin. Pero sa susunod na araw kailangang matulog ako. Kaya wala akong trabaho ng magkasunod na araw. At paisa-isa lamang ang pagtanggap ko ng assignment,” sabi niya.

When asked kung may mga sinusunod siyang ritwal para mapanatiling malusog ang kanyang pa­nga­ngatawan, sinabi ng ‘Manoy’ ng Philippine showbiz na “Regular akong mag-exercise. Hindi na ako kumakain ng karne at puro isda at gulay na lamang. I also take my vitamins regularly. At saka ipinaglihi ako sa sanggol kaya hindi ako tumatanda at namamalaging bata.”

Nakaka-apat na araw pa lamang ng taping si Eddie pero masaya siya sa kanyang role. Kung madalas ay kontrabida ang kanyang ginagampanan, tulad ng role niya sa kanyang huling serye, bilang Fr. Julian sa Juan dela Cruz ay nasa panig siya ng kabutihan. Astig siyang pari na magmamanman kay Juan.

Excited siya na makasama si Coco Martin pero ang bigyan ito ng payo ay hindi niya gagawin.

“Coco is a great actor. He will go a long way. Bukod sa magaling siyang umarte ay mahusay siyang makitungo sa tao at lalo na sa fans,” sabi ng beterano at marami nang awards na aktor.

Tungkol naman sa pananatili na walang intriga o kontrobersiya bilang artista, sinabi ng magaling na bida ng Bwakaw na wala siyang pinakialamang artista na dapat pagsimulan ng gulo.

“Pinapanatili ko ring pribado ang aking buhay. Not that I have things to hide from the public. Wala. Pinapanatili ko lang ang aking privacy. Akala n’yo ba may maitatago ako kung may intriga o kontrobersiya sa akin?” balik tanong pa niya sa amin.

Rocco gagawing ganap na aktor ni Hilda Koronel

Suwerte ni Rocco Nacino kapag naka­tambal niya o nakasama man lamang ang ak­tres na si Hilda Koronel sa isa niyang pro­yekto. Pero ito ang nakatakdang maganap sa kanyang career na inaasahan ng lahat na ma­katutulong ng malaki para mai­tulak ng malayo paitaas ang kanyang pagiging artista.

Hindi lamang sa mga pelikulang ko­mer­siyal nasasali ang dating Starstruck winner ka­hit hindi natuloy ang Lam-Ang, hindi na ma­pa­susubalian na he was considered for the role. Nakuha rin siya sa isang malaking docu na ginawa ng GMA 7, ang Bayan Ko, na naka­takdang mapanood sa GMA News TV sa Marso 10 ng gabi. Isa rin siya sa mga napili para gumanap ng Jose Rizal sa docu ni Howie Severino na Pluma: Si Rizal, ang Dakilang Manunulat.

Chariz nahirapang i-seduce si Benjamin

’Yung sineksi-seksi ni Chariz Solomon at pagkakaroon ng imaheng liberated ay imahe lang pala talaga. Natatawa ito nang tuksuhin ko na nagbu-bold na siya dahil nakita ko sa seryeng Unforgettable na sine-seduce niya si Benjanin Alves.

“Kung alam n’yo lang, halos ay hindi ko magawa ang eksena. Na-realize ko nga na pang-comedy lang talaga ako. At kung bibigyan ako ng ganung role, dapat paghandaan ko. Siguro kailangan ko pa ng workshop.

“I thank Direk Gina (Alajar, the director of the series) dahil talagang tinulungan niya akong ma-exe­cute ang nasabing eksena. Nanigas ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw. Ilang na ilang ako sa nasabing eksena. Sabi nila may asawa na raw ako, kayang-kaya ko na ang eksena pero sa totoo lang, hindi, lalo’t may nanonood,” kuwento ni Chariz na bahagi ng cast kina Kylie Padilla, Mark Herras, at Phillip Salvador.

vuukle comment

AKO

BAYAN KO

COCO MARTIN

HILDA KORONEL

KANYANG

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with