PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ruffa balik-Kapamilya na nga! Julia Barretto pasisikatin sa Cofradia

SEEN: Ang taping at guesting ni Ruffa Gutierrez sa Todomax noong Martes ang hudyat ng ‘pagbabalik’ niya sa ABS-CBN.

SCENE: Si Julia Barretto ang gaganap sa television remake ng Cofradia, ang 1953 movie ni Gloria Romero. Gumanap din si Gina Alajar na Cofradia sa pelikula noong 1973. 

SEEN: Magbabalik sa Smart Araneta Coliseum ang The Jose and Wally Show sa March 15. Blockbuster ang major concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Smart Araneta Coliseum noong March 2, 2012.

SCENE: Pinabulaanan na ni Kim Chiu ang balita na nag-walk out siya pagkatapos  kunan ang confrontation scene nila ni Maja Salvador sa Ina, Kapatid, Anak. Umalis siya ng set dahil tapos na ang taping. 

SEEN: Feeling magandang-maganda si Nadine Samonte sa tuwing tinatanong at tinutukso siya kay Derek Ramsay, ang co-star niya sa Kidlat ng TV5.

SCENE: Hindi matutuloy ang press preview ng Alfredo S. Lim, The Untold Story dahil hindi pa tapos ang post production work sa pelikula ni Cesar Montano.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN:  Mali ang photo caption na dumalo si Rudy Fernandez sa golden wedding anniversary  nina dating Pangulong Joseph Estrada at Dra. Loi Ejercito noong December  7, 2009 sa Tanay, Rizal dahil namatay ang aktor noong June 7, 2008. Nakalagay ang caption sa litrato nina Rudy at Senator Jinggoy Estrada sa libro na ipinamigay sa 50th birthday celebration ni Jinggoy.

SCENE: Nag-advance taping si Nora Aunor ng mga eksena niya sa Never Say Goodbye dahil pumunta siya sa Amerika.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: