PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bagong project ni Richard hanggang 8 weeks lang, mamadaliin bago mag-expire ang kontrata

Notorious ang working title ng soap na pagtatambalan nina Richard Gutierrez at Lovi Poe sa GMA 7. Bagay ang title sa concept na suspense thriller-action-mystery at sana hindi na palitan. Si Mark Reyes ang narinig naming director ng Richard-Lovi team-up sa TV, their first.

Kahit parehong Kapuso stars, ngayon lang magsasama sa TV sina Richard at Lovi, nauna silang nagtambal sa isang episode ng My Valentine Girls kasama si Solenn Heussaff. Ngayon mapapanood na sila sa TV for eight weeks.

Hindi pa pala namin alam kung bakit eight weeks lang ang soap nina Richard at Lovi, may kinalaman kaya ang malapit ng matapos na kontrata ng aktor sa GMA Network?

Anyway, malapit na raw ang taping ng Notorious dahil ipapalit sa Temptation of Wife.

AiAi at Marian naglabas ng pera para sa kanilang pelikula

Pinadalhan kami ng CD ng short teaser ng Kung Fu Divas, ang movie nina AiAi delas Alas at Marian Rivera, ilang eksena lang ang isinama sa teaser pero natawa na kami. Action-comedy-adventure ang nakalagay na genre ng pelikula so expect action and laughter. Kaya pala may eksenang naka-harness ang dalawa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ipinrodyus ito ng Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti at O & Co ni Onat Diaz na siya ring director ng pelikula. Co-producer din sina Marian at AiAi pero ’di sasabihin ni Marian kung magkano ang kanyang share.

Obvious na naniniwala sa early promo ang mga producer ng Kung Fu Divas dahil kahit October pa ang playdate, nagsisimula na ang promo ng movie. Una nang ipinalabas ang picture nina AiAi at Marian at sumunod ang teaser.

Sa teaser, bukod kina AiAi at Marian, si German Moreno lang ang makikita pero marami raw ang kasama sa cast kabilang si Edward Mendez na siyang leading man at pag-aagawan ng mga diva.

Nakalagay sa press release ang “The most-anticipated movie of 2013.”

Ryzza Mae may garden agad na bahay ang gustong bilhin

Kapag natuloy ang launching movie ni Ryzza Mae Dizon, mapapanood na ang bagets sa isang buong pelikula at hindi na lang basta guest o kaya’y parte ng pelikula. Narinig naming iko-co-produce ng Regal Entertainment, Inc. at APT Entertainment ang launching movie ng child star na diumano ay isang horror movie.

Sa mga hindi solved na horror ang maging launching movie ni Ryzza Mae, ibang klaseng horror ito at ibabagay sa edad ng bagets. Sorry, hindi namin nakuha kung sino ang magdidirek ng pelikula.

For more of Ryzza Mae, guest siya nina Jose Manalo at Wally Bayola sa March 15, concert ng dalawa sa Smart-Araneta Coliseum. Marami pang darating na projects sa bagets kaya hindi lang sasakyan ang mabibili niya kundi pati bahay.

Naghahanap na nga raw ng bahay na mabibili ang parents ni Ryzza at gusto nila ng may garden. Tila umabot na hanggang Antipolo, Rizal sa paghahanap nang mabibiling bahay ang mga magulang ng bagets.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: