^

PSN Showbiz

John Lloyd nakipag-usap nang masinsinan kay Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang ikatlong pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na It Takes a Man and a Woman. Magkahalong saya at lungkot daw ang nararamdaman ni John Lloyd dahil dito.

“Well, I’m excited na malapit na ipalabas ’yung pelikula pero at the same time nakakalungkot kasi last na ito. After nito, magkasama man ulit kami sa pelikula, wala na ’yung Miggy-Loida, ibang istorya na. So, in a way, excited ako pero may konting lungkot kasi bye-bye na kami sa dalawang characters. But you can expect a more mature kind of story, ibang-iba si Sarah dito. Ang cute isipin na si Sarah ’yung mas familiar sa New York. Para siyang New Yorker sa mga eksena namin at ’yun ’yung isa sa mga dapat abangan sa movie,” pahayag ni John Lloyd.

Masaya raw ang aktor para kay Sa­rah dahil nasubaybayan niya ang showbiz career ng dalaga. “Happy ako na kahit paano nawi-witness ko up close ‘yung growth mula nung episode niya sa Maalaala Mo Kaya (2006), A Very Special Love, You Changed My Life, hanggang ngayon nandito pa rin ako. Nabibigyan tayo ng chance, ng privilege, na makausap ’yung Pop Princess, makamusta mo siya nang malapitan. Masaya lang ako na nandito lang ako at within reach lang niya ako,” pagbabahagi ng aktor.

Nagbigay din ng reaksiyon si John Lloyd tungkol sa sinabi ni Sarah kamakailan na gusto raw nitong makasama ang aktor sa isang sitcom.

“Masarap pakinggan, nakakatuwa isipin, sana nga mangyari. Ako rin kasi gusto ko mag-sitcom eh. Gusto ko magkasama kami,” pagtatapos ni Lloydie.

Kahit kapit-bahay lang at madalas nakikita Rayver hindi na binigyan ng birthday gift si Cristine

Magkasama sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ang dating magkasintahan na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz. Tampok sa nasabing proyekto sina Gerald Anderson, Dawn Zulueta, at Dina Bonnevie. Kamusta kaya ang pakikitungo nina Rayver at Cristine ngayon sa isa’t isa?

“Okay naman. Okay naman. Wala namang nagbabago,” nakangiting sagot ni Rayver.

May regalo kaya ang aktor para kay Cristine para sa kaarawan nito noong Pebrero 5?

“Binati ko siya sa birthday niya. Okay na ’yon. ’Di kailangan laging may regalo. Importante ’yung samahan namin, magkaibigan pa rin kami. Mahal ko siya bilang magkaibigan,” paliwanag ng binata. Maganda raw ang samahan ngayon ng dating magkasintahan dahil nanatili ang pagkakaibigan nila. Madalas pa rin silang magkita at magkausap dahil magkalapit lamang ang mga bahay nina Cristine at Rayver.

“Minsan nagkaka-text kami ’tapos siyempre nagkikita kami minsan kasi neighbors na kami eh. Ang lapit na lang ng bahay namin sa bahay nila. So, magkikita-kita kayo do’n. Ang liit lang ng Parañaque,” kuwento pa ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                     

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

AKO

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

CRISTINE

CRISTINE REYES

DAWN ZULUETA

JOHN LLOYD

RAYVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with