^

PSN Showbiz

‘Pagpatay’ kay Nora sa Never… idini-deny!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sigurado ako na isang Noranian ’yung nag-text sa akin (sayang, hindi niya ibinigay ang kanyang pangalan) para ituwid ’yung naglalabasang balita na papatayin si Nora Aunor sa kanyang sariling teleserye dahil lately ay nagiging sakitin ito kaya delayed na delayed na ang taping ng Never Say Goodbye at iniurong na rin daw ng araw ng pagpapalabas nito.

Ayon sa nag-text, hindi papalitan ang Superstar ni Eula Valdez na gaya nang napapabalita dahil nag-taping daw ito para sa teleserye nung Feb. 1 kasama sina Gardo Versoza, Vin Abrenica, at Sophie Albert.

Alin kaya sa mga balita ang totoo? At bakit walang pormal na pahayag na nanggagaling sa TV5 o kaya ay kay Nora? 

Kanta pilipinas may winners na, pero itatago muna

Mukhang gusto ng TV5 na maging kakaiba talaga ang singing contest nilang Kanta Pilipinas na nagsisimula ngayong Sabado, Peb. 9, talagang kakaibang lalabas ang nasabing paligsahan dahil nai-tape na ang programa hanggang sa kahuli-hulihang episode nito na kung saan ay napili na ang mga mananalo. Ewan ko lang kung hanggang saan nila mapapangatawanan ang pagtatago ng mga nanalo.

In fairness to TV5, walang itulak kabigin sa mga matagumpay na auditionees na iniharap nila sa press nung Lunes ng gabi. Extraordinary ang mga kasali dahil magagaling sila sa mga karaniwang sumasali sa mga amateur singing contest.

Bukod sa mga soloista, may isang quintet at dalawang duets ang kabilang sa 24 na maglalaban-laban sa kauna-unahang season ng Kanta Pilipinas. Host ng show ang dating bokalista ng RiverMaya na si Rico Blanco na mabuti na lamang at itineyp ang Kanta Pilipinas dahil kung live ay baka hindi ito nakuha ng ABS-CBN para gumanap ng isang mahalagang role sa May Isang Pangarap.

Ang mga kalahok sa singing contest ay ang quintet na napapanood na rin sa Walang Tulugan ni German Moreno sa GMA 7, ang 5AZ1; ang dalawang dueto nina Daniel Gorospe at JB Landrito at ng magkapatid na Nicole at Carlo David, mga anak ng singer na si Mon David; Adrian Tabaldo, taga-California, USA; ang bulag na si Allan Gonzales; Allison Gonzales, ng sikat na grupong Opera Belles; Chadleen Lacdo-o; Dea Formilleza; Esther Martinez; Ferns Tosco; Gian Carlo Baldonido; Gregory Llamoso; Haizel Fernando; Isaiah Antonio; Jacob Gayanelo; Janeth Gomez; Jennifer Maravilla; Pia Diamante; Raz Mendoza; Ricky Deloviar; Rochelle Merced; Thara Jordana, Timothy Pavino, at Zari Bilon.
Prodyuser ng Kanta Pilipinas si Marvin Agustin; musical director si Jimmy Antiporda. Ang theme song ay inawit ni Lea Salonga. At magiging hurado sina Lani Misalucha at Ryan Cayabyab.

Kathryn at Daniel sa pelikula rin babagsak

Wala naman talagang kapupuntahan ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos ang matagumpay nilang pagtatambal sa Princess and I kundi sa isang pelikula na sila naman ang bida. Si Dado Lumibao ang kinuha ng Star Cinema para magdirek ng pelikula ng dalawa na may pamagat na Dyosa.

Nauna na sa kanilang gumawa ng pelikula matapos ang matagumpay nilang pagpapareha sa Walang Hanggan sina Coco Martin at Julia Montes na maraming eksena ang kinunan pa sa abroad. Ito ang pang-Valentine presentation ng Star Cinema na may pamagat na A Moment in Time na, ano pa nga ba, kundi isang love story?

Sarah susubukan na sa heavy drama

Magandang move ’yung gagawin ng Viva na pagpapatigil ng Sarah G. Live! at sa halip ay pagawin ito ng isang drama anthology.

Walang kailangan pang patunayan ang Pop Princess sa pagiging isang singer pero sa pag-arte ay marami pa. Bagama’t tinatangkilik ito sa mga light rom-com, kailangan pang makita na marunong din siyang mag-drama.

 

vuukle comment

A MOMENT

ADRIAN TABALDO

ALLAN GONZALES

ALLISON GONZALES

CARLO DAVID

CHADLEEN LACDO

KANTA PILIPINAS

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with