PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

GMA susugal sa Bukod Kang Pinagpala

Bukod Kang Pinagpala ang bagong pamagat ng drama series ng GMA 7 na pagbibidahan nina Mark Anthony Fernandez, Camille Prats, Jackie Rice, Jennica Garcia, at ng child star na si Mona Louise Rey.

Ang Bukod Kang Pinagpala ang ipapalit ng Kapuso Network sa Sana ay Ikaw na Nga na magwa­wakas sa darating na Biyernes.

Tatlong Ina, Isang Anak ang original title ng project pero pinalitan ang pamagat dahil mas bagay sa kuwento ang Bukod Kang Pinagpala.

Iyakan portion hindi maganda sa interbyuhan portion

Ayoko nang may mga umiiyak sa mga iniinterbyu namin sa Startalk kaya binago ko ang topic nang mapansin ko na iiyak na si Aimee Torres, ang original singer ng Pusong Bato, na nag-guest sa aming show noong Sabado.

Hindi ko type ang mga iyakan portion ’no?! Mas maganda ang mga interbyuhan na tawanan lang nang tawanan para masaya ang lahat. ’Yun lang!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Richard sisimulan na ang Exodus

Exodus ang working title ng next primetime show ni Richard Gutierrez sa GMA 7. Ngayong buwan ang umpisa ng taping ng Exodus dahil sa March 18 ang target airing ng TV project ni Richard na drama, action, at may halo na fantasy.

Hindi pa sure kung si Solenn Heussaff ang makakasama ni Richard sa Exodus dahil napapanood pa si Solenn sa Indio. Ang dinig ko, sigurado nang kasali sa Exodus sina Jillian Ward, Renz Valerio, at TJ Trinidad.

Lauren Young sasabak sa Unforgettable

Sa March 4 naman ang target pilot telecast ng Unforgettable, ang unang project ni Lauren Young bilang Kapuso.

Sina Jean Garcia, Phillip Salvador, Mark Herras, at Benjamin Alves ang diumano’y co-stars ni Lauren sa Unforgettable. Ginamit ko ang diumano dahil puwedeng magkaroon ng pagbabago sa cast ng drama series na mapapanood din sa afternoon prime block ng GMA 7.

Tambalang Alden at Louise babalik sa The Cure

Magtatambal uli sina Alden Ri­chards at Louise delos Reyes sa The Cure na mapapanood naman sa April.

Ang The Cure ang follow-up sa One True Love, ang primetime show na pinagsamahan nina Alden at Louise.

Maraming followers ang love team ng dalawa, kahit alam ng fans na si Enzo Pineda ang real-life boyfriend ni Louise. May suggestion na isama si Enzo sa cast ng The Cure bilang ka-love triangle para lalong umingay ang project.

Nawalang aso nahanap na

Para kay Papa Gary Dujali ng PLDT MyDSL ang item na ito. Mabuti naman at nakita na ang lost dog na si Booster. Nahanap na ng Lorenzo family ang missing dog kaya happy na ang mommy ni Derek ng sikat na Anna Banna TV ad ng PLDT MyDSL.

In fairness sa kanila, ang ganda ng bagong Anna Banana commercial ng PLDT MyDSL. Talagang sinusubaybayan ang kuwento at bonggang-bongga ang title ha? The strongest connections are at home. Sosyal ’di ba?

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: