^

PSN Showbiz

Puwet ni Richard maputi at makinis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa isang TV guesting ni Richard Gutierrez para i-promote ang Seduction na showing simula ngayong araw, nabanggit na may bagong soap na inihahanda para sa kanya ang GMA 7 at sabi nito’y “inaabangan ko na.”

Sa sagot na ‘yun ng aktor, parang hindi totoo ang tsikang aalis na siya sa Kapuso Network dahil sa naging isyu ng GF na si Sarah Lahbati. Pero may “let’s see” rin itong sagot nang tanungin sa kontrata niya sa home network.

Kaya let’s see na lang tayo sa mga susunod na pangyayari. Ang balita namin, kundi Exodus, ang The Cure ang next soap ni Richard sa Kapuso Network.

Samantala, kagabi ginawa ang celebrity screening ng Seduction na ginawa sa Gateway Cineplex. Tiyak na kinantyawan si Richard ng mga kaibigan sa eksenang nakita na ang sabi ni Solenn Heussaff, “maputi” at “makinis” niyang puwet.

 

Marian tatlong araw magsusuot ng neck brace, inatake nang matinding pananakit ng ulo

Three days naka-neck brace si Ma­rian Rivera resulta ng matinding pananakit ng ulo na umatake sa kanya habang nagti-taping ng Temptation of Wife last Monday. Hindi masabing migraine ang umatake sa aktres dahil wala naman itong migraine, basta sumakit na lang ang ulo nito, pero tinapos muna nito ang matitin­ding eksena sa soap na noong Monday din napanood.

Ang ibang eksena ni Marian, hindi na nakunan, pinauwi na lang siya dahil nakita ng production staff na hindi na nito kaya ang pananakit ng ulo. Dumeretso siya sa St. Luke’s (‘di sinabi kung sa Q.C. o sa Global City) at after ng check-up, pinayuhang gumamit ng neck brace sa loob ng tatlong araw.

Kahapon dapat may shooting si Marian ng My Lady Boss, pero hiniling ng mana­ger nitong si Popoy Caritativo na hindi muna magso-shooting ang aktres para makapagpahinga.

Ang alam namin, may taping uli ngayon ng Temp­tation of Wife si Marian, ano kaya ang gagawin ng writers para i-incorporate ang neck brace ni Ma­rian sa story?

Sabi ng ilang fans ni Marian, baka dahil sa matinding cat fight nila ni Heidi (Glaiza de Castro), kaya sumakit ang ulo ni Marian. Choreo­graphed ang mga ganoong ekse­na at hindi sasakit ng ganoon katindi ang ulo ni Marian kung dahil lang sa sabunot, lalo’t wig ang kanyang buhok.

Anyway, panalo ang cat fight nina Chantal at Heidi, nag-tren­ding sa Twitter at marami ang nag-react.

 

Boyfriend ni Erich kilig na kilig sa tambalan nila ni Coco

Nagulat si Erich Gonzales nang aminin ni Coco Martin sa presscon ng Juan dela Cruz na there was a time na nagparamdam siya sa dalaga, pero nabigo raw siya. Ang rason ng aktres, hindi niya alam kung seryoso o nagbibiro ang leading man sa bagong teleserye ng ABS-CBN dahil palabiro ito.

May binanggit si Erich na ‘pag tumingin si Coco, pero hindi tinapos. Ano kayang tingin ang ipinupukol ng aktor sa kanya? Ang tiniyak ni Erich, abangan na lang sina Juan (Coco) at Rosario (pangalan niya) sa Juan dela Cruz dahil may pag-asa.

Speaking of kilig, kuwento rin ni Erich, kahit ang non-showbiz BF niya, kinikilig sa kanila ni Coco ‘pag napapanood ang trailer ng teleserye na magpi-premiere sa Monday, after TV Patrol.  Never daw nagselos ang nobyo at very supportive pa sa tambalan nila ni Coco at sa kanyang career.

Jennylyn magre-renew ng contract sa GMA

Magre-renew ng kontrata si Jennylyn Mercado sa GMA Network ngayong araw. Malalaman natin kung ilang taon uli ang pipirmahang kontrata ng aktres at kung ilang shows ang gagawin within her contract.

vuukle comment

COCO MARTIN

CRUZ

DAHIL

ERICH

ERICH GONZALES

KAPUSO NETWORK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with