Back to Top
Janine Tugonon may pag-asang makapuwesto? Miss Universe 2012 lasengga? Ayaw magbigay ng sked ng taping Pacman, hindi naki-cooperate sa bagong show sa GMA 7
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2013 - 12:00am

SEEN: Hindi pa nagbibigay ng schedule si Congressman Manny Pacquiao para sa taping ng pilot episode ng kanyang bagong show sa GMA 7, ang Para Sa’Yo Ang Laban Na Ito.

SCENE: Hinahanap ng staff ng Video 48 ang asawa ni Jay Manalo dahil hindi nito ibinabalik ang mga nirentahan na DVD copies ng Totoy Golem at Bayad Puri.

Importante sa Video 48 staff na mabawi ang mga DVD dahil wala na silang ibang mga kopya.

SEEN:  Natuloy noong Linggo, January 13, ang pagbabalik ni Sarah Lahbati sa Switzerland.

Hindi na  niya nahintay ang showing sa mga sinehan ng pelikula nila ni Richard Gutierrez, ang Seduction.

SCENE: Para sa kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez ang tweet ni Sarah Lahbati na “My eyes don’t shed tears but boy they bawl when I’m thinking bout you.”

SEEN: Hindi totoong umalis ng Pilipinas si Nora Aunor dahil nag-taping siya ng Never Say Goodbye sa Baguio City.

Ang Never Say Goodbye ang primetime drama series ng TV5.

SEEN: Ang mga paninira na lasenggera si newly-crowned Miss Universe Olivia Culpo.

Si Janine Tugonon ng Pilipinas ang runner-up ni Olivia sa Miss Universe 2012.

SCENE: Hindi nakarating si Cesar Montano sa trade launch kahapon ng mga bagong programa ng TV5 dahil sa shooting ng The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim.

ANG NEVER SAY GOODBYE BAGUIO CITY BAYAD PURI CESAR MONTANO CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO JAY MANALO MISS UNIVERSE RICHARD GUTIERREZ SARAH LAHBATI
  • Latest
  • Trending
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with