Back to Top
Icons talent management na pag-aari ng ex ni Jolina ‘pinipirata’ ang mga artista ng GMA 7
January 6, 2013 - 12:00am

SEEN : Parang ligaw na bala ang hula na mabu­buntis ngayong 2013 si Sarah Geronimo dahil ibang Sarah, si Sarah Lahbati ang natsitsismis  na buntis.

SCENE : Ang balita na hindi lang si Sarah Lahbati ang contract star ng GMA Artist Center na inaalok na i-manage ng ICONS Talent Management Agency. Nilapitan din ng ICONS ang ibang mga artista ng GMAAC at GMA 7.

SEEN : Nahirapan ang Star Magic na makipag-deal sa ICONS noong talent pa nila si Andi Eigenmann. Co-managed dati ng ICONS at Star Magic ang showbiz career ni Andi.

SCENE : Lumampas na sa P300 million ang box office gross ng Sisterakas, ang unang blockbuster Filipino film sa 2013.

SEEN : Si Edward Mendez ang lead actor sa Kung Fu Divas, ang comedy movie na ginagawa nina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera. Matagal nang artista si Edward na nagkaroon ng 15-minute fame dahil na-link siya kay Dra. Vicki Belo.

SCENE : Malakas ang insecurity at threatened noon si Hayden Kho, Jr. kay Edward Mendez. Sa mga lalake na na-link kay Dra.Belo, si Edward at hindi ang yoga instructor na si Al Galang ang pinagselosan  ng todo ni Hayden.

SEEN : Ayon kay Annabelle Rama, malungkot ang kanyang anak na si Richard Gutierrez dahil sa nalalapit na pagbalik sa Switzerland ng girlfriend na si Sarah Lahbati.

SCENE : Sa susunod na buwan pa mangyayari ang pagtatapat ng Indio ng GMA 7 at Juan dela Cruz ng ABS-CBN.

SEEN : Pinanindigan ng isang manghuhula ang kanyang sinabi na hindi nagkatotoo na mabubuntis ni Coco Martin si Kris Aquino.  Uhaw sa free publicity ang manghuhula.

 

AL GALANG ANDI EIGENMANN ANNABELLE RAMA ARTIST CENTER COCO MARTIN DRA EDWARD MENDEZ SARAH LAHBATI STAR MAGIC
  • Latest
  • Trending
Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with