PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Judy Ann maselan sa mga gustong iiendorso!

MANILA, Philippines - Super busy ang celebrity mom na si Judy Ann Santos nga­yong patapos na ang 2012 at pagpasok ng 2013. Bukod sa pagiging host ng MasterChef Pinoy Edition, siya rin  ay abala sa shooting ng new fantasy film entitled Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako with Vic Sotto and Bong Revilla at ng isang soap opera on ABS-CBN. At marami pang nakaline-up na projects para sa kanya!

Despite her hectic schedule, Juday sees to it that she stays healthy, fit and beautiful all the time. “Living a happy life is a big factor in being physically fit. ‘Pag nakikita ka ng tao, iyung aura mo sa bahay, ‘yun ‘yung dinadala mo sa labas ng bahay,” sabi niya.

At idinagdag din ni Juday that she tries to make only good choices.  Tulad na lang sa pagpili ng healthy food at exercise.  Ang ilan pa sa mga good choi­ces niya ay ang paboritong actress na si Meryl Streep; Bossa Nova, Taylor Swift, Justin Bieber at of course, OPM pagda­ting sa music at inspirational books like The Alchemist and Five People You Meet in Heaven.

Pagdating sa endorsements, mapili rin si Juday “I don’t want to give false endorsement. Dapat, unang-una naniniwala ka sa brand, iyun talaga ang requirement ko,” ang sabi niya.  “It’s not all about money, but it is also about believing in the product.”

Kaya’t pinili niya ang Sun Cellular as her communication partner. For more than two years now, happy siya mga benefits of being part of the Sun family  at sa kanyang  Sun-powered mobile phone  na katulong niya upang in touch siya sa kanyang pamilya ng mahusay at very affordable rates. 

Juday is a firm believer in the benefits of Sun Cellular. Bukod sa unlimited calls and texts, gamit din niya ang  Sun Todo IDD Tawag upang tawagan ang kanyang mga contacts dahil sa mas mahabang   talk time for as low as P2.00 per minute. Sun Todo IDD Tawag is available via call card, Xpress load or load conversion by texting TODOIDD 50, TODOIDD 100 or TODOIDD300 to 247.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: