PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kris hanggang part 10 ang plano sa Sisterakas!

Nasa taping ng Kris TV si Kris Aquino nang ma­lamang Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Sisterakas. Tuwang-tuwa ang TV host-actress dahil ibig sabihin, may 60 percent rebate sila, co-producers sila nina Vice Ganda at AiAi delas Alas ng entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival (MMFF), kaya mababawi nila ang kanilang share.

Ikinagulat naman ni Kris ang PG ratings na ibinigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa movie at ang naisip na rason ay ang pagta-tanga ni Vice. In any case, masaya ito na Grade B ang movie nila at ibinalitang showing sila sa 118 theaters nationwide.

“Maraming salamat na naka-B kami, ninety percent live sound kami na mala­king bagay ’pag comedy ang movie.

Nakaka­tuwa ring malamang mara­ming theaters na gusto ang movie namin at dahil walang bunutan sa provinces, siguro madadagdagan pa ang 118 theaters namin,” masayang balita ni Kris.

Sa tanong kung posibleng magka-part two ang Sisterakas, biro ni Kris, baka hanggang part 10 at si Wenn Deramas pa rin ang direktor. Nabanggit din ni Kris na co-writer si Vice Ganda sa script at siya ay mabilis na naka-adapt sa style ni Wenn.

May cameo role sa movie si Daniel Matsunaga as the celebrity endorser na pag-aagawan nina Kris at Vice. Mai-in love rin ang karakter ni Daniel kay AiAi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isa pang ikinatutuwa ni Kris ay ang patuloy na pagpayat ni Joshua Aquino. May episode ang Kris TV na ipi-feature ang pagwo-workout nito na sasabayan nina Kris at Bimby. Kuwento ng TV host-actress, excited mamili ng damit si Joshua ngayon.

Samantala, hindi na sa London, England magbabakasyon sina Kris at mga anak na sina Joshua at Bimby dahil umikli ang araw ng bakasyon nila’t host si Kris ng awards night ng MMFF.

Kaya sa Las Vegas, Nevada na lang sila pupunta sa Dec. 28, ang alis nila at kabilang sa itinerary nilang mag-ina ang manood kay David Copperfield.  Sa Las Vegas na rin sila magnu-New Year.

New Year’s resolution ni Aljur ang makapagbasa ng pitong libro

Happy si Aljur Abrenica sa role niya sa Sosy Problems na pag-aagawan ng best friends na sina Claudia (Heart Evangelista) at Margaux (Solenn Heussaff). Malayo raw itong mangyari in real life pero dahil sa pelikula ay nangyari. Ang kuwela pa, hindi magpapahalata ang dalawang girls na type siya dahil stable boy/waiter/life guard lang siya sa polo club na pinupuntahan ng dalawa.

Hindi madi-disappoint ang fans na makita ang katawan at abs ni Aljur dahil may mga eksenang nakahubad siya. Kuwento ni Aljur, naging close siya kina Heart, Solenn, Rhian Ramos, at Bianca King, at nakita niyang walang sapawan sa apat.

Hindi rin natuloy ang plano ni Aljur na sa Bangkok, Thailand mag-Pasko dahil sa Sosy Problems at dahil dumating ang relatives niya from Europe kaya may family reunion sila sa Batangas. Bibiyahe na lang sila ng kapatid niya sa North na hindi niya pa alam at backpackers yata ang drama ng aktor.

Segue na rin na tanong kay Aljur kung ano ang New Year’s resolutions niya?

“Gustong makapagbasa ng seven books a year. Aminado akong hate kong magbasa, pero unti-unti, nag-i-enjoy ako at itutuloy ko ito next year at sana nga makapagbasa ako ng seven books,” sagot ni Aljur.

Chynna malabo pang pakasalan ng dyowa dahil magpi-piloto pa

Parehong December born sina Chynna Ortaleza at Ryza Cenon, ang una’y nag-birthday noong Dec. 7, at ang huli’y Dec. 21.

Hindi man natuloy si Ryza sa Temptation of Wife, papasok naman siya sa Sana ay Ikaw Na Nga bilang si Sandra Sebastia. Si Chynna nama’y kasama sa cast ng Mrs. Snowhite na bida si Carla Abellana at kahit anong role, tatanggapin niya dahil nakakatulong ito sa kanyang pagiging artista.

For February, airing ang Mrs. Snowhite, kapalit ito ng Tatlong Ina Isang Anak, kung saan, ang ipinalit kay Chynna ay si Jennica Garcia. Looking forward pa rin siya na makagawa ng more indie films dahil this year, three indie films ang natapos niya, kaya fulfilling for her ang 2012.

Of course, going strong pa rin ang relasyon nina Chynna at Railey Valeroso na BF niya for seven years na. Masaya itong ibinalitang graduating sa college si Railey, kaya lang, balak pa raw mag-aral nang pagka-piloto. So, kailan sila ikakasal?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: