Nay-1-1 nina Jaya at Gladys Reyes babu na sa ere!
SEEN: Palabas ngayon sa selected Philippine theaters ang Taste of Money, ang soft porn Korean movie na nagtatampok sa sexy star na si Maui Taylor.
SCENE: Sa January ang pilot telecast ng Kidlat, ang fantaserye ng TV5 na pinagbibidahan ni Derek Ramsay at ipapalit sa timeslot ng Enchanted Garden.
SEEN: Tuloy ang concert ng Korean singer na si Psy sa The Arena sa Dec. 20. Special guests ni Psy sina Anne Curtis, Jose Manalo, Wally Bayola, at AiAi delas Alas.
SCENE: Dinamdam at iniyakan ni Jaya ang cancellation ng Nay-1-1, ang morning show nila ni Gladys Reyes sa GMA 7.
Kinansela ang Nay-1-1 dahil sa poor ratings.
SEEN: Kasama ni Shamcey Supsup sa Las Vegas, Nevada ang kanyang boyfriend na si Lloyd Lee. Backstage host ng On-the-Scene ng Miss Universe 2012 si Shamcey.
SCENE: Ang press release na crowd favorite sa Miss Universe contest si Miss Philippines Janine Tugonon. Taun-taon, crowd favorite ang Philippine representative ngunit hindi naman nananalo.
- Latest