^

PSN Palaro

Gomez hari ng bigfoot 10-ball challenge

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gomez hari ng bigfoot 10-ball challenge

Si Roberto Gomez habang tumitira sa isa niyang laro ang hinirang na kampeon sa Derby City Classic Bigfoot 10-Ball Challenge na ginaganap sa Amerika.

MANILA, Philippines — Inilabas ni Roberto Gomez ang naitatago nitong talento upang pagharian ang 2018 Derby City Classic Bigfoot 10-Ball Challenge na ginaganap sa Horseshoe Southern India­na sa Elizabeth, Indiana sa Amerika.

Kinailangan ni Gomez ng solidong laro upang itakas ang makapigil-hini­ngang 11-10 panalo laban kay reigning World Junior Championship titlist Fedor Gorst ng Russia sa kanilang championship showdown.

Hawak ni Gomez ang 6-5 kalamangan subalit nagmintis ito sa 10-ball sa 12th rack upang makabalik sa porma si Gorst at maitabla ang laro sa 6-6.

Nagawa pang umabante ni Gorst  sa 9-8 ngunit mabilis na nakabalik sa porma si Gomez nang kubrahin nito ang tatlo sa huling apat na racks para matamis na angkinin ang kampeonato.

Naibulsa ni Gomez ang tumataginting na $16,000 premyo habang nagkasya si Gorst sa $8,000 konsolasyon.

Nakapasok sa finals si Gomez nang patalsikin ang da­ting world champion na si Mika Immonen ng Finland sa bisa ng 11-10 panalo sa kanilang semifinal match.

Kabilang din sa mga tinalo ni Gomez sina 2017 China Open champion Joshua Filler ng Netherlands sa quarterfinals, 11-6  at kababayang si dating World 9-ball at World 8-ball champion Ronnie Alcano sa first round, 11-10.

Sa kabilang banda, si Gorst ang nagpatalsik sa Pinoy cue masters na sina 2004 World 9-Ball winner Alex Pagulayan sa first round (7-11) at Jeffrey De Luna sa quarterfinals (11-4) gayundin kay John Morra ng Canada sa semifinals (11-5).

Nauna nang yumuko sina Lee Vann Corteza at Dennis Orcollo laban kina Morra (7-11) at Immonen (7-11) sa kani-kanilang first-round games.

Sunod na lalaruin ang 9-Ball, One-Pocket Challenge at 9-Ball Banks Division.

Ang manlalarong makalilikom ng pinakamataas na puntos matapos ang apat na events sa Derby City Classic ang siyang tatanghaling Master of the Table. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with