^

PSN Palaro

Go for gold buwenamano ang coffee lovers

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines —  Umarangkada ang Go for Gold-St. Benilde  sa ikaapat na yugto tungo sa 75-68 panalo laban sa Gamboa Coffee Mix-St. Clare kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D-League Aspirant’s Cup sa Pasig City Sports Center.

Matapos maiwanan sa unang tatlong yugto, humataw ang Go for Gold sa pangunguna nina Jay Alejandro at Edward Dixon ng sunud-sunod na baskets para maagaw ang bentahe at maitala ang unang panalo na naglagay sa koponan sa pakikisalo sa Marinerong Pilipino sa liderato.

Sa jumper ni Alejandro nakuha ng Go for Gold ang bentahe, 57-55 bago sinundan pa ng triple ni Dixon at jumper ni Unique Naboa para sa 67-57 kalamangan mahigit apat na minuto na lang ang natitira.

Kahit nakabalik ang Coffee Lovers sa 11-4 rally na binigyan ni Trevis Jackson ng tsansa sa kanyang jumper nang maibaba sa tatlong puntos na lang ang agwat, 68-71 ng karibal, umek­sena ang dating PBA stalwart na si Jerwin Gaco para muling ilayo ang Go For Gold sa 73-68 tungo sa panalo.

Hindi pa kuntento si Go for Gold coach Charles Tiu sa kanilang panalo na ayon sa kanya, marami pa silang dapat ma-improve.

“We are a new team kaya marami pang dapat baguhin. Hindi pa sanay sa isa’t isa,  but a win is a win. We will take this win with a lesson,” sabi ni Tiu.

Pina­ngunahan ni Cle­­ment Leutcheu ang Scratchers sa kanyang 14 puntos habang si Gaco na dating naglalaro sa Purefoods Hotdogs ay umiskor din ng 13 puntos at 10 naman mula kay Justin Gutang. Si Kent Salado ay tumulong din ng siyam na puntos.

Umani naman ng 19 si Aristotle Dionisio na may kasamang 13 rebounds, dalawang assists at isang steal at 11 naman kay Raymundo Robio habang 10 kay Mohamed Pare.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with