Sports City gagawin na
MANILA, Philippines — Isasagawa na ngayong araw ang Groundbreaking Ceremony para sa gagawing National Government Administrative Center ng New Clark City kung saan itatayo rin ang state-of-the-art Athletic Stadium at Aquatic Center sa loob ng dating US Air Force sa Pampanga.
Ayon kay Vivencio Dizon, ang Presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na inaasahang matatapos ang mga modernong pasilidad sa sports bago sumapit ang hosting ng bansa sa beinnial Southeast Asian Games sa 2019.
Ipinagkaloob ng BCDA sa pamumuno ni Dizon ang mahigit 50 ektaryang lupa para sa gagawing Sports City sa loob ng New Clark City kung saan ililipat na rin ang training center ng mga atleta mula sa Maynila at Pasig City.
Ayon kay PSC chairman William “Butch” Ramirez ang bagong state-of-the-art athletes training center ay pagkakalooban din ng modernong pasilidad para sa seminar, edukasyon, scientific research, athletes talents identification program at sports medicine para sa mga atleta.
Si Ramirez mismo ang panauhing pandangal sa gagawing Groundbreaking Ceremonies ngayong alas-9 ng umaga na dadaluhan din ni POC president Jose Cojuangco.
- Latest