^

PSN Palaro

Magic diniskaril ang pagbabalik ni Irving

Pilipino Star Ngayon
Magic diniskaril ang pagbabalik ni Irving

    Tinaasan na lang ng kamay nina Marcus Morris at Al Harford ng Celtics si Elfrid Payton ng Magic.
 

BOSTON -- Sinapawan ng Orlando Magic ang pagbabalik sa aksyon ni point guard Kyrie Irving matapos sikwatin ang 103-95 panalo, ang kanilang ikatlo laban sa mga NBA Eastern Conference leaders.

Umiskor si Elfrid Payton ng 22 points para sa Magic, nauna nang naipatalo ang 14 nilang laro sa Boston simula noong Pebrero ng 2010.

Sa kanya namang pagbabalik sa line-up ay tumipa si Irving ng 40 points para sa Boston, nalasap ang ikatlong sunod na pagkatalo ngayong season.

Hindi nakalaro si Irving sa pagkatalo ng Celtics laban sa Philadelphia 76ers bunga ng shoulder injury.

Nagdagdag si Jaylen Brown ng 17 points  habang may 12 markers si Marcus Morris para sa Boston.

Tumipa si Evan Four­nier ng 19 points at humakot si Aaron Gordon ng 11 points at 12 rebounds para sa Magic, napasama sa three-way tie para sa worst record sa NBA.

Humataw ang Orlando ng 32 points sa third period matapos iwanan ng Boston sa halftime, 58-59 para kunin ang  90-71 bentahe papasok sa final frame.

Naputol ng Celtics ang nasabing kalamangan sa pitong puntos mula sa hook shot ni Al Horford sa huling 1:13 minuto ng laro.

Ang  freethrow ni Payton at floater ni Fournier sa natitirang minuto ng laban ang nagbigay sa Magic ng 10-point lead.

Sa Indiana, gumawa si Victor Olapido ng 19 points at winakasan ng Pacers ang 14-game home winning streak ng San Antonio Spurs sa pamamagitan ng 94-86 tagumpay.

Nagdagdag si Darren Collison ng 15 points para sa Indiana, tinapos ang three-game losing skid sa San Antonio.

Kumolekta si Pau Ga­­sol ng 14 points para pangunahan ang Spurs, naglaro nang wala sina injured Manu Ginobili, Rudy Gay at Kawhi Leonard.

Sa Los Angeles, kumolekta si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 29 points at 10 assists  habang nag-ambag si Julius Randle ng 27 points at 12 rebounds para tulungan ang Lakers sa 127-107 paglampaso sa New York Knicks.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with