^

PSN Palaro

Almazan, Camson nahaharap sa suspensyon, multa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang papatawan ng suspensyon at multa sina center Raymond Almazan at power forward Eric Camson dahil sa kanilang rambulan sa second period ng laro ng Rain or Shine at Kia sa 2018 PBA Philippine Cup noong Sabado sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ipapatawag bukas ni PBA Officer-In-Charge Willie Marcial sa kanyang opisina sina Almazan ng Elasto Painters at Camson ng Picanto kaugnay sa insidente na nangyari sa huling 3:01 minuto sa second quarter ng 98-94 panalo ng Kia.

Gustong marinig ni Marcial ang paliwanag ng 6-foot-7 na si Almazan at ng 6’5 na si Camson hinggil sa palitan nila ng siko sa panga sa isang rebound play.

Kapwa pinatalsik sa laro sina Almazan at Camson at inaasahang awtomatikong pagmumultahin ng tig-20,000 katumbas ng itinawag sa kanilang flagrant foul 2.

Ayon kay Marcial, posible pang madagdagan ang suspensyon at multa nina Almazan at Camson kung mabibigo ang dalawa na mapatunayang wala silang kasalanan.

Sa television replay ay nakitang si Camson ang unang nagsalpak ng kanyang kanang siko sa panga ni Almazan sa isang rebound play kung saan gumanti ang Rain or Shine center na nagresulta sa kanilang palitan ng suntok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with