^

PSN Palaro

Meralco bagsak sa TNT Katropa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Meralco bagsak sa TNT Katropa

Sinagupa sa ere ni Kelly Williams ng TNT Katropa sina Jason Ballesteros at Nino Canelata ng Meralco para sa isang layup. PBA Images

MANILA, Philippines — Nang ilista ng TNT Ka­Tropa ang isang 13-point lead sa opening period ay hindi na nila nilingon pa ang Meralco.

Nagsalpak ang Tropang Texters ng kabuuang 18 three-point shots para patumbahin ang Bolts, 99-81 sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo CIty.

Kumolekta si Troy Rosario ng 22 points, tampok ang 6-of-10 shooting sa 3-point range, bukod pa ang 10 rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng TNT Katropa.

“Pagpasok namin sa game kami ang team na may pinakamababang fieldgoal shooting, kaya kailangan talaga naming magtrabaho nang husto,” sabi ng 6-foot-7 na si Rosario.

Nagdagdag si RR Garcia ng 18 points habang tumipa ng 15 at 12 markers sina RR Pogoy at Jayson Castro, ayon sa pagkakasunod.

Binuksan ng Tropang Texters ang laro sa pamamagitan ng 16-3 kalama-ngan mula sa triple ni Rosario sa 6:29 minuto nito hanggang iwanan ang Bolts bitbit ang 34-18 sa 9:35 minuto ng second period.

Matapos makalapit ang Meralco sa pagsasara ng third quarter, 62-73,  nagsal­pak sina Anthony Semerad at Castro ng magkasunod na tres para muling ilayo ang TNT Ka­Tropa sa 79-62 sa unang dalawang minuto ng final canto.

Pinalobo pa ito ng Tropang Texters sa 92-70 galing sa triple ni Garcia sa huling 4:28 minuto ng labanan na hindi na naka­yang putulin ng Bolts.

Pinangunahan ni Baser Amer ang Meralco mula sa kanyang 20 points.

TNT Katropa 99 - Rosario 22, Garcia 18, Pogoy 15, Castro 12, Reyes 10, Semerad 10, Hernandez 3, Carey 3, Williams 2, Torres 2, Tautuaa 2, Onwubere 0, Golla 0.

Meralco 81 - Amer 20, Dillinger 14, Canaleta 11, Tolomia 8, Newsome 6, Lanete 5, Hugnatan 4, Bono 4, Ballesteros 3, Faundo 3, Baracael 2, Sedurifa 1, Salva 0, Caram 0.

Quarterscores: 27-18; 46-36; 73-62; 99-81.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with