^

PSN Palaro

Children’s Game mainit na tinanggap sa Tagbilaran

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matagumpay na idinaos ang dalawang araw na 2018 Children’s Games kahapon sa Holy Name University sa Tagbilaran City, Bohol.

Mahigit 600 kabataan na may edad 12-anyos pababa mula sa 15 Barangays ng lungsod ang nakipagsaya sa event na inorganisa ng Philippine Sports Commission sa tulong ng Lungsod ng Tagbilaran.

Nagpasalamat naman si PSC commissioner Ramon Fernandez sa lahat ng dumalo at sa tulong ng local na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Baba Yap na siya ring pa­panauhing pandangal sa opening ceremonies noong Biyernes.

Ayon pa kay Fernandez, hangad ng ahensya ng gobyerno para sa sports na marating ang mga bayan sa buong bansa at makalikom pa ng mara­ming kabataan para matutong maglaro at mailayo sa mga bisyo.

“The PSC wants to reach as many children as possible with this program,” dagdag ni Fernandez.

Ang pagdaraos sa Children’s Games ay ang pagsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dalhin ang pa­laro sa countryside.

Kabilang sa itinuturo sa mga kabataan ang basic skills sa volleyball, basketball, lawn tennis at table tennis at iba’t ibang indigenouos sports kaya tuwang-tuwa ang lahat ng sumali.

Sa pangunguna ni Fernandez, ang PSC ay magsasagawa ng mahigit 50 legs ng Children’s Games sa buong Visayas region at ito pa lang ang pangalawa sa 41 na naka-plano na sa taong ito. Ang first leg ay ginanap sa Dumaguete City noong nakaraang linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with