^

PSN Palaro

Altas, chiefs magpapasolido

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
 Altas, chiefs magpapasolido

Nablangka ni Ladeisheen Magbanua (18) ng EAC ang drop ball ni Cindy Imbo ng Perpetual sa huling laban noong Huwebes.
 

MANILA, Philippines — Puntirya ng University of Perpetual Help System Dalta at Arellano University na mapatatag ang kapit sa liderato sa pakikipagtipan sa kani-kanilang karibal sa men’s division ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Makakaharap ng Perpetual Help ang wala pang panalong Jose Rizal University sa alas-9:30 ng umaga habang lalarga ang salpukan ng Arellano at Lyceum of the Philippines University sa alas-2 ng hapon.

Magkasalo ang Altas at Chiefs sa unang puwesto bitbit ang imakuladang 4-0 rekord.

Galing ang Perpetual Help sa 25-14, 25-19, 25-11 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College noong Huwebes.

Nangunguna sa kam­panya ng Altas si Rey Taneo na may average na 12.5 puntos kada laro at siguradong muling sasandalan ng tropa ang mahusay na open hitter sa pagsabak nito laban sa Heavy Bombers.

“He’s (Taneo) the leader of this team and we will need him to lead again because we have so many young players this season,” sambit ni Perpetual  Help coach Sammy Acaylar.

Sa women's division, pakay naman ng Arellano na masolo ang pamumuno sa pagharap nito sa Lyceum sa alas-12:30 ng tanghali.

Masisilayan din ang duwelo ng Perpetual help at Jose Rizal sa alas-11 ng umaga.

Kasosyo ng Arellano sa unahan ang San Beda College na kapwa may imakuladang 4-0 kartada.

Mangunguna naman sa panig ng Lady Bombers si power-hitting Shola Alvarez na siyang nangunguna sa MVP race bitbit ang 22.0 average points per game.

Sa kabilang banda, nais ng Perpetual Help na mapatatag ang kanilang kapit sa Top 4 .

Galing ang Lady Altas sa 22-25, 25-19, 25-14, 23-25, 15-13 panalo kontra sa Lady Generals noong Huwebes para umangat sa 3-1.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with