^

PSN Palaro

Raptors naisahan ang Spurs sa balwarte

Pilipino Star Ngayon
 Raptors naisahan ang Spurs sa balwarte

   Hinarangan ni Spurs guard Dejounte Murray si Raptors guard Kyle Lowry.
 

TORONTO--Humugot si point guard Kyle Lowry ng siyam sa kanyang 24 points sa fourth quarter  habang nagdagdag si DeMar DeRozan ng 21 markers para igiya ang Raptors sa 86-83 pagtakas sa San Antonio Spurs.

Tinapos ng Toronto ang kanilang four-game losing slump kontra sa San Antonio.

Kumolekta si center Jonas Valanciunas ng 15 points at 11 rebounds para ibigay sa Raptors ang 17-3 record sa kanilang tahanan, ang second-best home record sa NBA sa likod ng 19-2 card ng Spurs.

Humakot naman si LaMarcus Aldridge ng 17 points at 14 rebounds, samantalang nagdagdag sina Pau Gasol at Patty Mills ng 15 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa ikaapat na kabiguan ng San Antonio sa anim nilang road games.

Huling tinalo ng Raptors ang Spurs, 97-94  sa Toronto noong Disyembre 9, 2015.

Hindi naman nakalaro si San Antonio guard Manu Ginobili sa ikalawang sunod na pagkakataon dahil sa sumasakit na kanang hita.

Kinuha ng Spurs ang 70-69 abante matapos ang 3-pointer ni Bryn Forbes sa 6:52 minuto ng fourth period, pero tumipa sina DeRozan at Lowry ng back-to-back baskets para ibigay sa Raptors ang 74-69 kalamangan sa huling 5:11 minuto.

Matapos ang jump shot ni Mills para sa 71-74 agwat ng San Antonio ay isang 6-0 atake ang ginawa ng Toronto mula kina Lowry, Valanciunas at DeRozan para ilista ang 80-71 abante sa huling 2:40 minuto ng laro.

Sa Salt Lake City, umiskor si Tim Hardaway Jr. ng 31 points para pamunuan ang New York Knicks sa 117-115 paglusot laban sa Jazz.

Kumonekta si Har­daway ng isang 3-pointer at kinumpleto ang four-point play kasunod ang isang dunk para akayin ang New York sa 109-100 bentahe sa huling 3:21 minuto ng final canto.

Naimintis naman ng Utah ang tatlong sunod nilang pagtatangka sa 3-point line.

Nag-ambag sina Kris­taps Porzingis at Courtney Lee ng tig-18 points at ang 13-point third quarter ng huli ang tumulong sa Knicks rpara makabangon sa 10-point deficit at iwanan ang Jazz sa 85-78 papasok sa fourth quarter.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with