^

PSN Palaro

Foton imports dumating na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa ang mga bagong imports ng Foton na tutulong sa kampanya ng tropa na mabawi ang korona sa Philippine Superliga Grand Prix na magsisimula sa Pebrero 17.

Kinuha ng Tornadoes ang serbisyo nina American spiker Brooke Kranda at Canadian hitter Elizabeth Wendel.

Ang 23-anyos na si Kranda ay dating opposite spiker ng Michigan State University.

May taas itong 6-foot-6 kaya’t malaking tulong ito upang higit na mapalakas ang frontline ng Tornadoes.

Noong nakaraang taon, naimbitahan itong maglaro sa Big Ten Foreign Volleyball Tour sa Czech Republic, Austria, Slovenia at Italy.

Ngunit malaking butas ang pupunan ni Kranda dahil malaking puntos ang nagagawa ni dating Foton import Sara Klisura ng Serbia kung saan nagtala pa ito ng record-breaking 41 points sa eliminasyon ng Grand Prix noong nakaraang taon.

Lumipat si Klisura sa Cocolife Asset Managers kasama si Serbian mentor Moro Branislav.

Sa kabilang banda, miyembro si Wendel ng Canadian national team.

Nakapaglaro na ito sa FIVB Women’s World Grand Prix noong 2016.

Nasa Maynila na rin si Serbian libero Katarina Vukomanovic na maglalaro para sa Tornadoes sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Hindi makalalaro sina Jaja Santiago at EJ Laure sa pagkakataong ito.

Babanderahan ni Santiago ang National University sa UAAP Season 80 volleyball tournament na lalarga sa Pebrero 3 habang nagpapagaling si Laure sa kanyang shoulder injury.

Gagabayan ang tropa ni three-time PVL  champion Rommel Abella na siyang hahalili kay Branislav.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with