^

PSN Palaro

Globalport tinambakan ang Blackwater

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Globalport  tinambakan ang Blackwater

 Naghahanap ng mapapasahan si Sean Anthony ng Globalport nang madepensahan ni Mac Belo ng Blackwater. Ernie Peñaredondo

Laro Ngayon(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. Rain or Shine vs Kia

6:45 p.m. Magnolia vs Phoenix

MANILA, Philippines — Nanatiling mainit ang opensa at matibay ang depensa ng mga Batang Pier sa loob ng 48 minuto.

Ito ang gustong makita ni head coach Pido Ja­rencio.

Umiskor ng 33 points ang Globalport sa kabuuan ng second period at nilimitahan ang Blackwater sa 14 markers para angkinin ang 101-76 panalo sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“We were aggressive from the start. They were letting a lot of physicality,” sabi ni small forward Sean Anthony, nagtala ng 22 points na tinampukan ng 6-of-10 shooting sa three-point range. “We just played solid defense together and just try to shut down the paint ourselves.”

Ito ang ikalawang sunod na arangkada ng Batang Pier matapos gulatin ang Rain or Shine Elasto Pain­ters, 78-70 noong E­nero 12.

Nalasap naman ng Elite, nagmula sa 83-92 kabiguan sa TNT Katropang Texters, ang kanilang pangalawang dikit na kamalasan mula nang magposte ng two-game winning streak.

Isinara ng Globalport ang first period hawak ang five-point lead na pinalobo nila sa 61-35 mula sa 3-pointer ni Anthony sa hu­ling 1:45 minuto ng se­cond period at isara ang first half bitbit ang 24-point lead, 61-37 kontra sa Blackwater.

Nagsalpak ang Batang Pier ng 11 triples sa first half, ang anim dito ay mula kay Anthony na humataw ng 21 points at tig-dalawa kina Stanley Pringle at Kelly Nabong habang naging malamya ang outside shooting ng Elite.

Binuksan ng Globalport ang third period sa pamamagitan ng maikling 6-point run para palobohin ang kanilang kalamangan sa 30-point lead, 67-37.

Hindi na ito nagawang putulin ng Blackwater sa single digit hanggang sa final canto.

Samantala, kasalukuyan pang naglalaban ang nagdedepensang San Miguel beer at NLEX habang sinusulat ito.

 Globalport 101 - Anthony 22, Pringle 17, Nabong 16, Grey 8, Taha 7, Juico 6, Gabayni 6, Flores 4, Guinto 4, Araña 4, Elorde 4, Sargent 3.

Blackwater 76 - Belo 17, Digregorio 15, Sena 9, Pinto 8, Erram 8, Jose 8, Palma 6, Javier 3, Cruz 2, Cortez 0, Banal 0, Sumang 0, Marcelo 0, Neypes 0.

Quarterscores: 28-23; 61-37; 79-54; 101-76

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with