Pacquiao kursunada si Lomachenko
MANILA, Philippines — Para sa kanyang comeback fight ay gusto ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na sumagupa sa isang matinding boksingero.
At ang tinutukoy ni Pacquiao ay si 'pound-for-pound' king Vasyl Lomachenko ng Ukraine.
“I'm not retired yet,” sabi kahapon ni Pacquiao sa panayam sa "Headstart" ng ANC. “Nami-miss ko 'yung boxing eh.”
Balak ng 39-anyos na si Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) na sagupain ang 29-anyos na si Lomachenko (11-1-0, 11 KOs) sa Abril kung saan nasa break ang Senado.
“Ang pangako ko sa mga tao, hindi maaapektuhan ang trabaho ko. 'Yung April, magandang idea dahil off kami ng March 23 to May 13. So April, wala kaming trabaho,” ani Pacquiao.
Si Lomachenko, kumuha ng gintong medalya sa Olympic Games noong 2008 at 2012, ang kasalukuyang World Boxing Organization super featherweight titlist.
“There are still talks on the weight, reducing the weight,” wika ni Pacquiao sa kanyang pagsagupa sa Ukranian superstar.
Huling napanood sa aksyon si Pacquiao noong Hulyo 2 kung saan siya natalo kay Jeff Horn via unanimous decision at naisuko ang hawak na WBO welterweight crown sa Brisbane, Australia.
Sa kabila ng pagkakaroon ng rematch clause sa kanilang kontrata ay hindi ito ginamit ni Pacquiao para mabawi ang kanyang korona kay Horn dahil sa kanyang pagiging abala sa Senado.
Plano din ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na ilaban si 'Pacman' sa Abril.
- Latest