^

PSN Palaro

Davis itinakas ang Pelicans sa OT

Pilipino Star Ngayon

BOSTON – Masyadong dominante si Anthony Davis at ang New Orleans Pelicans para sa Celtics.

Nagpasabog si Davis ng 45 points at humakot ng 16 rebounds at nakipagtulungan kay center DeMarcus Cousins para kontrolin ang shaded patungo sa 116-113 overtime victory ng New Orleans laban sa Boston.

Tinapos ng Pelicans ang seven-game winning streak ng Celtics.

“It was a great win for us. They tested us,” sabi ni Davis, naunang umiskor ng 48 points sa panalo ng New Orleans laban sa New York kamakalawa.

Kumolekta naman si Cousins ng 19 points at 15 rebounds habang tumipa si Jrue Holiday ng 23 points.

Nagtuwang ang tatlo sa pag-iskor ng 12 points sa overtime para sa Pelicans, ipinatikim sa Celtics ang unang kabiguan ngayong 2018.

Binanderahan naman ni Kyrie Irving ang Boston mula sa kanyang 27 points, ang 24 ay kanyang inubos sa se­cond half kung saan sila nakabalik mula sa 12-point deficit at humawak ng five-point lead sa dulo ng regulation.

“For some reason tonight, the whole game we were a little careless. It just carried over there at the end,” ani Celtics' center Al Horford, nagtala ng 14 points at 9 rebounds. “We thought we had it. It just got away from us.”

Nag-ambag sina Marcus Smart at Jaylen Brown ng tig-16 points para sa Boston, naglista ng season-high na 50 attempts sa three-point line keysa tapatan sina Davis at Cousins sa shaded lane.

Ang triple ni Horford sa pagsisimula ng overtime ang nagbigay sa Celtics ng 107-106 patungo sa  113-110 abante.

Nagsalpak naman ng jumper si Cousins para idikit ang Pelicans sa 112-113 agwat na sinundan ng dalawang basket ni Holiday upang tuluyan nang selyuhan ang kanilang panalo.

Sa iba pang laro, pinataob ng Orlando Magic ang Milwaukee Bucks, 108-102; binigo ng Denver Nuggets ang Dallas Ma­vericks, 105-102  at pinigilan ng Portland Trail Blazers ang Phoenix Suns, 118-111.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with