^

PSN Palaro

FVR sa POC: Election ituloy

Pilipino Star Ngayon
FVR sa POC:  Election ituloy

dating pangulong Fidel V. Ramos  File

MANILA, Philippines — Kung si dating pangulong Fidel V. Ramos ang tatanungin, nais nitong ituloy ng Philippine Olympic Committee ang eleksiyon sa Peb­. 23 na iniutos ng korte.

Ito ay upang tuldukan ang isyu sa POC at maisentro ang atensiyon ng bansa sa mas importan­teng mga bagay gaya ng pagha­handa sa 2018 Asian Games sa Indonesia at hosting ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games.

Sakaling manalo ulit si Jose “Peping” Cojuangco Jr., kinakailangan itong tanggapin ng magkabilang kampo.

Ngunit para kay Ramos, panahon na para ibigay ang POC sa mga mas batang lider ng bansa.

Nagsimulang manungkulan sa POC si Cojuangco noong 2004 kung saan pinalitan nito si Celso Dayrit ng fencing.

“Give the younger ones a chance,” ani Ramos.

Ang anak nitong si Cristy  Ramos ay nanungkulang POC chief mula noong 1997 hanggang 1999.

Inutusan ng Pasig City Regional Trial Court na muling magsagawa ng eleksiyon ang POC dahil idineklara ng korte na “null and void” ang POC elections noong Nobyembre 25, 2017.

Sa unang eleksiyon, diniskwalipika ng POC Comelec sina Ricky Vargas ng boxing at Abraham Tolentino ng cycling dahil hindi umano ito mga aktibong miyembro ng POC.

Magsasagawa ang POC ng meeting ngayong araw sa Philsports sa Pasig City kung saan inaasahang tatalakayin ang naturang isyu.

Naniniwala ang kaal­yado ni Cojuangco na si POC first vice president Joey Romasanta ng karatedo na kailangang sundin ng POC ang utos ng korte.

“As a citizen of the Republic and as an officer of a law-abiding institution like the POC, I am expected of us to uphold the rule of law,” ani Romasanta.

Wala rin aniyang plano si Romasanta na tumakbo bilang pangulo ng POC.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with