^

PSN Palaro

Lady Chiefs pinasabog ang Lady Bombers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Chiefs pinasabog ang Lady Bombers

Tinangkang i-blocked ni Trisha Paras ng San Beda si Klarisa Abrian ng College of St.Benilde. (Jun Mendoza)
 

MANILA, Philippines — Patuloy ang pana­nalasa ng nagdedepensang Arellano University nang payukuin nito ang Jose Rizal University, 25-11, 22-25, 25-18, 25-16 upang manatiling malinis ang kanilang rekord at manatili sa solong pamumuno sa NCAA Season 93 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagsilbing lider ng Lady Chiefs si Regine Ann Arocha na bumanat ng 20 puntos mula sa 14  attacks, limang aces at isang block habang malaki rin ang kontribusyon ng kanyang mga katropa para hablutin ang kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Nagsumite si Premier Volleyball League veteran Jovielyn Grace Prado ng 17 puntos at 14 digs, gayundin si team captain Mary Ann Esguerra na umariba naman ng 12 puntos.

Nagtala sina Necole Ebuen at Andrea Marzan ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod  habang si Rhea Ramirez ang nagmando sa Lady Chiefs sa pagkakataong ito matapos maglista ng 45 excellent sets.

“Masaya ako sa panalo namin pero marami pa kaming dapat i-improve lalo na sa reception,” wika ni Arellano head coach Obet Javier.

Nakasentro si Javier sa elimination sweep ngunit kinakailangan aniya itong dahan-dahan na gawin.

Sunod na makakasagupa ng Lady Chiefs ang Lyceum of the Philippines.

“Target talaga namin na ma-sweep ang elimination pero we’d also like to take it one game at a time starting with Lyceum of the Philippines,” ani Javier.

Nanguna sa panig ng Lady Bombers si Shola Alvarez,  dating mi­yembro ng three-time PVL champion Pocari Sweat, kung saan nagtala ito ng 19 puntos habang nagdagdag naman sina Grace Verzosa at Karen Montojo ng pinagsamang 22 puntos.

Nalaglag ang Jose Rizal sa 2-2.

Sa ikalawang laro, napigilan ng San Beda College ang College of Saint Benilde, 25-22, 24-26, 27-25, 25-19 para makuha ang solong ikalawang puwesto hawak ang malinis na 3-0 rekord.

Lumasap ang Lady Blazers ng unang kabiguan sa tatlong pagsalang.

Sa men’s division, wala pa ring bahid ang Arellano nang iselyo nito ang 25-18, 21-25, 25-14, 25-22 pana­naig sa Jose Rizal.

Nanatili sa ibabaw ng standings ang Chiefs na may malinis na 4-0 rekord habang bagsak sa 0-4 ang Bombers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with